5 MAGKAKAANAK MINASAKER

BUKIDNON- LIMANG magka­kamag-anak ang nasawi nang salakayin ng anim na armadong kalalakihan nitong Linggo ng madaling araw sa Lantapan ng lalawigang ito.

Ayon sa Lantapan Municipal Police Station, hinihinalang land disputes ang motibo sa maramihang pagpatay sa pamilya.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Lantapan Municipal Police Station, pinasok ng anim na suspek ang bahay ng isang Mael Lugnasan at pinagbabaril ang mga taong inabutan sa loob ng bahay na ikinasawi ng 4 na magkakamag-anak kabilang ang isang menor de edad.

Nakaligtas naman umano si Lugnasan, na may tama ng bala sa tiyan.

Matapos na salakayin ang nasabing pamilya ay sinunod ng mga suspek ang bahay ng isang Daniel Lugnasan at nang abutan ay pinagtataga ito ng bolo hanggang sa mapatay.

Sa sinagawang follow up operation ng mga awtoridad ay nadakip ang tatlo sa mga salarin habang target na nang manhunt operation ang tatlo pang suspek. VERLIN RUIZ