NAILIGTAS ng mga tauhan ng Philippine Navy ang limang mangingisda makaraang tumaob ang fishing boat na sinasakyan ng mga ito sa karagatang sakop ng Zamboanga City.
Base sa report na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo, kasalukuyang naglalayag ang mga tauhan ng Phil. Navy sakay ng BA492 mula Naval Station Romulo Espaldon patungong Varadero de Cawit, sa Zamboanga City nang namataan nila ang mga mangingisda na nakakapit sa nakataob na MB Elsa 3 fishing vessel sa may San Mateo Point, Sinunuc dakong ala-5 kamakalawa ng hapon na kumakaway at humihingi ng saklolo.
Agad tinahak ng crew ng BA492 ang kinaroroonan ng nga mga mangingisda at nalaman na trap sa loob ng tumaob na bangka ang kanilang maestro (boat master) .
Walang malay nang iahon ang boat master kaya agad na itinakbo sa Zamboanga City Medical Center subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng asphyxiation secondary to accidental drowning na nakilalang si Enricky Brocka, 55- anyos.
Habang ang apat nakaligtas ay dinala naman sa Camp Navarro General Hospital para malapatan ng lunas at sumailalim sa debriefing na sina Erickson Broka, 19-anyos, Richard Brocka, 30-anyos, Oroy Gay, 27-anyos at George Alvarasen, 36-anyos, pawing mga taga Pagadian City. VERLIN RUIZ
Comments are closed.