LIGTAS ang apat na sakay ng isang military chopper ng Philippine Navy na nasangkot sa sakuna subalit kinailangang pansamatalang suspindihin ang paglipad ng kanilang limang Agusta Westland 109 helicopters.
Kinumpirma ni Philippine Navy Flag Officer in Command VAdm. Adeluis Bordado na pansamantalang grounded muna ang kanilang limang AW 109 choppers matapos na masangkot sa sakuna isang Philippine Navy’s AW109 helicopters na sumuporta sa isinasagawang Internal Security Operation ng Northern Luzon Command.
Itinanggi ni VAdm Bordado ang ulat na bumagsak ang kanilang military chopper matapos na tamaan ng malakas na hangin.
Sa initial na imbestigasyon, sinasabing nag-tilt lamang ang AW109 habang papalapag na ito may tatlong talampakan na lamang ang taas mula sa lupa dahilan upang bahagyang magalusan ang dalawang piloto at dalawang crew na sakay nito na nagbigay ng air support sa mga tauhan ng Northern Luzon Command na nasa pamumuno ni Ltgen Arnulfo Marcelo Burgos habang nagsasagawa ng military operation sa area.
Naganap ang sakuna sa Lal-lo, Cagayan habang tinatangka ng piloto na ilapag ang chopper sa kanyang designated station mula sa sinagawang mission na suporta sa isinasagawang internal security operation.
“We are conducting a thorough and exhaustive investigation to ascertain the cause. These actions are all geared at shedding light on the incident and to prevent a future occurrence. International experts from Augusta are assisting in the matter of investigation. The said AW109 (NH435) is undergoing assessment and is part of the ongoing investigation. All AW109 units are grounded as a matter of procedure,” ani Bordado. VERLIN RUIZ
812475 80827Um, take into consideration adding pictures or far more spacing to your weblog entries to break up their chunky appear. 882386
119128 487237I surely did not realize that. Learnt some thing new these days! Thanks for that. 563898
236187 257109You created some respectable points there. I looked on the internet for the concern and identified many people will go along with along with your website. 487858
871895 834365Good internet site. On your blogs quite interest and i will tell a buddies. 562546
215962 656677An attention-grabbing dialogue is value comment. I believe which you need to write a lot more on this matter, it wont be a taboo subject even so usually individuals are not sufficient to speak on such topics. Towards the next. Cheers 801667