BENGUET – LIMA ang patay sa forest fire sa bayan ng Itogon.
Pinangangambahang bukod sa limang nasawi ay maaring madagdagan pa ang bilang ng casualties bunsod ng mga ulat na may mga na trap pa sa loob ng nasusunog na kagubatan.
Sa ulat na ipinarating ng local disaster management risk reduction office may limang nasawi na kinilalang sina Dante Molina, Daniel Sugiyem, Dexter Labasan at Noel Guiniguin pawang foresters ng Philex Mining Company at ang sibilyan na si Leon Mocate.
Nakuha ang mga sunog na bangkay ng mga forester ng Philex Minings mula sa natupok na bahagi ng bundok.
Hanggang kahapon ay nagsasawa ng mopping up operation ang mga kinatawan ng pamatay sunog mula sa iba’t ibang bayan ng nasabing lalawigan.
Magkatuwang ang Benguet PNP at Bureau of Fire Protection, nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon para malaman ang pinanggalingan ng sunog.
Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, dinala na sa morge ng ospital ng nasabing mining company ang bangkay ng mga biktima para sa pagproseso.
Posible aniyang sinubukan ng mga biktima na magresponde at apulahin ang sunog ngunit nasama ang mga ito.
Napag-alaman din na nasunog pa ang storage area ng forestry department ng nasabing mining company.
Ayon sa mga arson investigator nagsimula ang sunog bandang ala-1:30 ng Miyerkoles at kumalat ito sa mahigit anim na ektaryang bahagi ng bundok kung saan umabot pa ito sa third alarm. VERLIN RUIZ
Comments are closed.