MAGUINDANAO DEL SUR- LIMA katao ang binawian ng buhay sa naganap na bakbakan sa pagitan ng dalawang magkatunggaling grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Ampatuan sa lalawigang ito.
Batay sa report ng pulisya, ang mga binawian ng buhay ay kinilalang sina Norman Sabpa, Abie Kadil, Joharie Akan, Darex Bundula at Misuari Guiamal.
Ayon kay Maguindanao del Sur Police Director Col. Roel Sermese, nagkasagupaan ang mga grupo sa pamumuno nina Hamza Sangki Kindo at Kadafy Bundula sa Barangay Kapinpilan.
Nag-aagawan umano ang dalawang grupo para kontrolin ang isang parsela ng lupa sa barangay.
Ang mga ulat na nakarating sa 6th Infantry Division (ID) ng Army, nilisan muna ng mga residente ang kanilang bahay sa nasabing Barangay upang maiwasang madamay sa labanan.
EVELYN GARCIA