HAWAK na ng Philippine National Police –Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang limang lalaki na suspek umano sa pagpatay at pagsunog kay dating Batangas Congressman at sa driver at escort nito sa Quezon kamakailan.
Ayon kay PBrig. Gen. Joel Coronel, CIDG Director, isa sa limang suspek na hawak nila ay sinasabing siyang sumaksak at sumunog kina dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza, sa driver at escort nito.
Magugunitang natagpuan ang sunog na sunog na bangkay nina Mendoza, ang bodyguard niyang si Ruel Ruiz at driver nitong si Nicanor Mendoza sa loob ng kotse sa bayan ng Tiaong noong Enero 9, 2020.
Inihayag ni Coronel na away sa pananalapi ang nakikita nilang pangunahing motibo sa krimen.
Mahaharap ang mga suspek sa three counts of murder. VERLIN RUIZ
Comments are closed.