5 NEGOSYO NA MAKASASABAY SA TEKNOLOHIYA

ni Eunice Calma – Celario

Gamit ang internet, marami nang malilikhang trabaho at kompanya sa Pilipinas.

Upang hindi pahuli ang Pilipinas sa dumaraming hanapbuhay ngayong tuluyan nang nagbkukas ang ekonomiya mula sa pandemya, narito ang puwedeng pasuking negosyo

  1. Service-providing industries

Ang long-tern shift mula sa goods-producing businesses patungo sa service-providing businesses ay inaasahang magpapatuloy dahil sa mga businesses outsource manufacturing jobs.

  1. Education at health services

Ang industriyang ito ay inaasahang lalago nang mas mabilis kumpara sa ibang industriya.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng demand sa healthcare at social assistance dahil na rin sa aging population at longer life expectancies.

Ang tumataas na e student enrollments sa lahat ng level ng pag-aaral ay magbubunsod ng mataas na demand sa  educational services, tulad ng educational consulting businesses, home tutoring, at iba pa.

  1. Professional at business services

Inaasahang lalago ng 30 porsyento ang mga negosyong kabilang sa professional at business services industries.

Sa business services industry, ang mga negosyo na may kinalaman sa employment services ay inaasahang lalago ng mahigit 50 porsyento!

Ilan pa sa mga lalago ang Professional, scientific, at technical services maging ang mga may kinalaman sa computer systems design.

  1. Information Businesses

Ang pagbibigay ng impormasyon ay palagiang magiging profitable business hanggang sa susunod na 10 taon.

Kabilang ditto ang computer-related industries tulad ng software publishers, Internet publishing at Internet broadcasting; Internet service providers, Web search portals at maging data processing services.

  1. Leisure at hospitality

Kabilang sa mga negosyong ito ang may kinalaman sa Arts, entertainment at recreational, kasama ang physical fitness at exercising.

Dahil ito sa mas dumaraming taong nais ma-involve sa arts, entertainment at recreation activities.

Inaasahan ding lalago ang Accommodation at food service businesses dahil na rin sa patuloy na pagdami ng two-income families at dahil sa sophistication o pagiging class ng mga tao.