INILABAS ng Judicial and Bar Council (JBC) ang limang pangalan ng mga nominado na nasa shortlist para sa Chief Justice.
Inanunsiyo ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na isa sa miyembro ng JBC, na kabilang sa shortlist sina Senior Associate Justice Antonio Carpio, Associate Justices Estela Perlas-Bernabe, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin at Andres Reyes Jr.
Nakatakda ang deliberasyon sa shortlist ng JBC sa Biyernes.
Binigyan naman ng hanggang Nobyembre 15 ang publiko na maghain ng kanilang komento o reklamo sa mga nominado.
Ang pagpili ng nominado para sa Punong Mahistrado ay makaraang bakantehin ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro ang posisyon nang ito ay magretiro noong Oktubre. CAMILLE BOLLOS
Comments are closed.