5 NOMINEES NG PARTYLIST NAGSIPAGBITIW

SABAY-SABAY  na nagsipagbitiw sa puwesto ang limang nominado ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list group.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesman John Rex Laudiangco, Martes ng hapon (Hunyo 14) nang maghain ng public documents sa Comelec Law Department ang P3PWD.

Nakasaad sa liham na nagbibitiw sa puwesto sina Grace Yeneza, Ira Paulo Pozon, Marianne Heidi Cruz Fullon, Peter Jonas David at Lily Grace Tiangco.

Papalit sa kanila bilang nominee sina dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon, Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar Jr.