5 NPA MEMBERS PATAY SA ENCOUNTER

BOHOL-PATAY ang limang rebelde kabilang ang lider ng New People’s Army (NPA) sa sagupaan sa lalawigang ito kahapon ng umaga, ayon kay AFP Maj Gen. Eric C Vinoya, komander ng 3rd Infantry (Spearhead) Division, PA.

Ayon kay Vinoya, alas-5:30 ng umaga ay nasabat ng mga tauhan ng 47th Infantry Battalion na nasa combat patrol operation sa pamumuno ng isang 2Lt Renato Ballena ang isang pulutong ng communist terrorist group sa Brgy. Cabacnitan, Bilar.

Agad na nagkaroon ng palitan ng putok at nalagasan ang mga rebelde kaya nagpasyang tumakas ang mga ito at inabandona ang bangkay ng tatlo nilang kasamahan nakita sa clearing operation.

Bandang alas 5:40 ng umaga nasabat naman ng nag-aabang na blocking force ng Alpha Coy 47IB ang mga tumatakas na NPA sa bisinidad ng Brgy. Cabacnitan.

Kayat nagkaroon muli ng sagupaan na ikinamatay ng dalawa pang NPA at ikinasugat ng isang sundalo. VERLIN RUIZ

6 thoughts on “5 NPA MEMBERS PATAY SA ENCOUNTER”

Comments are closed.