5 NPA PATAY SA 4 SABAY-SABAY NA ENGKUWENTRO

NEGROS OCCIDENTAL- LIMANG rebeldeng komunista ang napatay ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayan Command matapos na mapasabak ang mga tauhan ng mga tauhan nito sa apat na halos sabay-sabay na engkuwentro sa loob ng isang araw.

Sa ulat na ibinahagi ni Visayan Command chief LtGen Benedict Arevalo, naganap ang unang sagupaan bandang ala-5:05 ng umaga nitong Sabado nang matunton ng Philippine Army 62nd Infantry Battalion ang mga kasapi ng communist NPA weakened guerilla front Central Negros 1 (CN1) ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol at Siquijor (KR NCBS).

Ilang minuto lamang ang pagitan ay nakikipagbakbakan din ang mga sundalo sa mga teroristang grupo sa tatlong lugar sa Brgy. Quintin Remo, Negros Occidental.

Matapos ang sagupaan , limang NPA terrorists ang nakitang patay habang ilang war materiel, food supply, medical paraphernalia at mga personal belongings kabilang ang isang M16 rifle, dalawang homemade shotguns, isang UZI machine pistol, isang KG 9 machine pistol, dalawang Cal .38 pistols, apat na rifle grenades, mga magazine assemblies, at ibat ibang live ammunitions ang nasamsam sa clearing operation.

Pinapurihan naman ni Arevalo, sigasig ng kanyang tropa sa pagtugis sa nalalabing MPA sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito, muling nanawagan si Arevalo sa mga buhay pang kasapi ng CPP-NPA sa Visayas region na magbalik- loob na at mamuhay ng payapa.

“We never take joy in taking the lives of our own people. As such, we once again call upon the remnants of the CPP-NPA in the region to lay down your arms and return to the folds of the law. Heed the call of the government while you still can,” ani Arevalo.
VERLIN RUIZ