5 NPA REBS TUMBA SA ENGKUWENTRO

LANAO DEL SUR-BUMULAGTA ang limang miyembro ng terrorist group na New People’s Army (NPA) makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa hangganan ng Talakag-Bukidnon Sasa kagubatang sakop ng Brgy. Gaya kay sa bayan ng Tagoloan II ng lalawigang ito kamakalawa.

Sa inisyal na ulat na nakarating kay 403rd IB, Philippine Army commander Brig Gen Ferdinand Barandon, nagsasagawa ng security operation ang tropa ng 1st Special Forces Battalion nang makasagupa ang terrorist group ng Sub-Regional Command 5 at Sub- Regional Command 4 ng North Central Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA.

Sumiklab ang matinding bakbakan sa loob ng ilang oras hanggang sa nag-atrasan ang grupo ng NPA na sinasabing nalagasan ng lima.

Narekober sa encounter sites ang tatlong M-16 Armalite rifles, 2 Garands at isang M-14 rifle at ibat ibang dokumento.

Kasalukuyang bineberipika ng Lanao del Sur Provincial Police Office ang pagkakakilanlan ng mga napatay na NPA rebs. MHAR BASCO

Comments are closed.