CAGAYAN-MATAPOS ang clearing operation ng 5th Infantry (Star) Division Philippine Army sa halos mahigit sa dalawang oras na sagupaan, sa pagitan ng ng 501st Infantry Brigade at mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa Barangay Dungeg sa Santa Teresita, limang bangkay ang tumambad sa mga militar na pinaniniwalaang kalaban ng estado.
Maliban sa limang bangkay na kanilang nadiskubre, nakadiskubre rin sila ng tatlong matataas na kalibre ng baril, limang anti-personnel mines (APM), limang handheld radio, apat na cellphone, assorted medical supplies at equipment, subversive documents at iba pang pagmamay-ari ng mga teroristang grupo.
Isinagawa ang pagresponde ng Joint Task Force Tala dahil sa impormasyong natanggap nila mula rin sa mga residente ng naturang barangay na may mga report ng pangingikil o extortion na naturang lugar.
Agad namang nagsagawa ng military operations ang Joint Task Force Tala kung saan hindi bababa sa 40 miyembro ng CPP-NPA na kabilang sa Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV) ang kanilang nasagupa.
Ayon naman kay M/Gen Laurence Mina Commander General ng 5th ID, inamin nila na nahirapan silang makapasok agad sa kuta ng mga rebeldeng NPA dahil sa mga itinanim na mga land mines, improvised explosive device at land mines.
Dahil dito tumulong at rumesponde rin ang air assets ng Tactical Operation Group ng Philippine Air Force (TOG-2) na pinamumunuan ni Lt. Col. Sadiri Tabutol, nakabase sa Cauayan City, Isabela.
Kung saan ay nagawang mapasok na ng mga kasundaluhan ang kuta ng grupong makakaliwang kilusan, na ang naturang operasyon ay bunga ng pagtutulungan at kooperasyon ng mga residente at maagap na pagresponde ng tropa ng 5ID at ng Philippine Air Force.
Muling nananawagan si MGen. Mina sa mga natitira pang rebelde sa bundok na sumuko na dahil pagtitiyak niya ay handa ang pamahalaan na tulungan sila kung boluntaryo silang magbabalik-loob.
IRENE V. GONZALES
868171 713350This internet page is often a walk-through its the internet you wanted about this and didnt know who to question. Glimpse here, and you will definitely discover it. 103655
941747 680499excellent . Thanks for informations . Ill be back. Thanks once again 6176
I am grateful to you personally personally for sharing this myriad of helpful particulars. I found this resource utmost advantageous for me. Many thanks a whole ton for exertion. pgbetflik
893735 400058Should you tow a definite caravan nor van movie trailer your entire family pretty soon get exposed towards the down sides towards preventing very best securely region. awnings 886455