HONG KONG – KINUMPIRMA ng Philippine Consul sa Hong Kong na mayroong 30 katao roon ang nagkaroon ng tigdas, anim ay mula sa Filipinas at apat ay nagtatrabaho bilang household helpers.
Ang ikalimang Pinoy ay isang propesyonal subalit hindi muna ipinatukoy kung ano ito habang ang ikaanim ay isang dayuhan na bumisita lamang sa Filipinas at dumiretso sa Hong Kong.
Ang measles outbreak sa Hong Kong ay nagpaalerto sa kanilang Department of Food at sa Health na dahilan para payuhan ang mga Pinoy na galing sa Filipinas na dapat magpabakuna laban sa tigdas bago bumalik ng nasabing Chinese territory.
“The advisory from Hong Kong’s Department of Food and Health has also been sent to overseas Filipino worker (OFW) organizations,” ayon sa ulat. Ang nasabing health advisory ay ipinadala na ng Health Department ng Hong Kong sa mga opisyal ng OFW groups upang malinaw ang guidelines at pagpapairal ng polisiya laban sa outbreak.
Inaasahan din ang dayalogo ng magkabilang panig habang ang mga domestic helper ay pi-nayuhang magpakabakuna. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.