5 PANG GOLD SA PINOY CHESSERS; PH 9TH SA ASIAN PARA GAMES

gold medalist

HANGZHOU – Humakot ang Philippine para chessers ng lima pang ginto nitong Sabado upang igiya ang bansa sa all-time high na ninth place sa overall medal standings sa huling araw ng 4th Hangzhou Asian Para Games dito.

Winalis ng PH chessers ang men’s PI (Physically Impaired) at B2-B3 divisions habang idinagdag ang PI women’s individual mint mula kay Atty. Cheyzer Crystal Mendoza at ang team sil- ver sa parehong event.

Nagpamalas ng katatagan sa koponan si Asian Para Games rookie Darry Bernardo upang maitakas ang improbable win kontra Indonesia’s Adji Hartono at pagharian ang B1-B2 men’s individual event na may 6 points.

Kasama ang rapid team gold, sina Bernardo at Menandro Redor ay naging most bemedalled athletes ng PH na may tig3 mints.

Salamat sa kanilang kabayanihan, ang 72-member Philippines contingent dito ay napantayan ang 10 golds sa 2018 Jakarta Asian Games habang umangt sa ninth overall, mas mataas ng tatlong puwesto sa ipinakita ng bansa, limang taon na ang nakalilipas.

Nagwagi si veteran Henry Roger Lopez, na nanguna sa field na may 5 points papasok sa seventh at final round, laban kay teammate Jasper Rom upang maging double gold medalist kasama si Mendoza sa pamumuno sa koponan sa sweep sa team at individual events.