5 PASILIDAD NG PNP NASIRA NI ODETTE

LIMANG pasilidad ng Philippine National Police (PNP) ang nawasak ng Typhoon Odette habang 210 personnel nila ang kabilang sa mga biktima gaya ng pagkasira ng kanilang bahay.

Batay sa ulat ng PNP Command Center, limang pasilidad na nasa Eastern Visayas at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang nagsagawa sila ng 41 rescue and relief operations at pagkasalba sa 563 katao.

Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na ang iba’t ibang yunit nila ay nagsagawa na ng assistance at seguridad sa 7,201 evacuation centers kung saan 2,432 families na kinabibilangan ng 100,353 individuals ang humingi nan g temporary shelter.

Tiniyak naman ni Carlosna naibalik na ang komunikasyon sa PNP Units sa mga lugar na apektado ng bagyo sa Visayas, Mindanao at Mimaropa.

“The PNP communication lines and supply continue to be operational in all Police Regional Offices, ensuring effective command and control to supervise and direct post-disaster relief and rehabilitation operations,” ayon kay Carlos.

Dagdag pa ni Carlos na mayroon silang conventional and alternate communication systems para sa monitoring ng PNP Command Group. EUNICE CELARIO