INCREDIBLE!
GANITO inilarawan ni coach Leo Austria ang matagumpay na title retention campaign ng San Miguel Beer upang masikwat ang ika-5 sunod na korona sa PBA Philippine Cup makaraang masingitan ang sister team Magnolia, 72-71, sa deciding Game 7 noong Miyerkoles ng gabi sa harap ng capacity crowd sa Araneta Coliseum.
“We’re down by 17 points in the third period. My players stubbornly refused to fold up and kept fighting to the very end to retain the title. At the end of the 48 minutes, we emerged victorious,” sabi ni Austria matapos ang panalo.
“Admittedly, this is the most difficult and hardest one we experienced in five years. Our backs were against the wall and my players gallantry fought to the finish and luckily survived and won,” wika pa ni Austria.
Sinaluduhan ni Austria ang kanyang matatapang na ‘court warriors’ sa kanilang kabayanihan upang muling pagharian ang Philippine Cup.
“Ang tagumpay na ito ay para sa kanila at kinasangkapan lang ako as coach. They rightfully deserved the accolade. Let’s give it to them. Dahil sa kanila ay naging pinakamagaling na coach ako,” pahayag ng 61-anyos na taga-Sariaya, Quezon.
Down but not out, sa pamumuno ni five-time MVP June Mar Fajardo ay matapang na lumaban ang SMB at hindi ibinigay ang korona sa Magnolia kung saan binura nito ang malaking kalamangan sa mainit na opensiba sa fourth quarter.
Umiskor ang 6-foot-9 na si Fajardo ng team-high 17 points at 31 rebounds, kabilang ang 20 defensive.
“Hardwork, dedication and resiliency ang nagdala sa amin sa panalo. Siyempre, kasama ang divine guidance,” ani Austria. CLYDE MARIANO
Comments are closed.