HINDI napigilan ang kampo ng National University Lady Bulldogs sa pagsikwat sa ika-5 sunod na kampeonato laban sa FEU Lady Tamaraws. Walang pagsidlan ang kaligayahan ng Lady Buldogs nang muling madominahan ang UAAP women’s basketball tournament.
Wala nang dapat patunayan pa si coach Patrick Aquino sa limang sunod na kampeonato ng kanyang koponan. Congrats, coach Patrick Aquino and NU Lady Buldogs.
Bilib naman ako kay Harlan Yu, umuwi lang ng Pinas para suportahan ang kanyang alma mater UP Fighting Maroons. Tuwang-tuwa si Yu kasi ay nakasama niya ang daddy niya na nagtsi-cheer para sa Fighting Maroons. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama, bumata lamang ang tatay ni Harlan sa kanya. Habang isinusulat ko ang column kong ito ay lamang ang Ateneo Blue Ea-gles ng 8 points laban sa UP Maroons, 18-10, sa simula ng 1st quarter.
Luz Valdez na naman ang Gilas Filipinas laban sa Iran. Laglag ang PH Team sa ika-4 na puwesto makaraang manalo ang Japan. Tatlo lang kasi ang kukunin para sa qualifier. Kaya dapat paghandaan ng ating national team ang 2023 Olympics. Habang maa-ga sana ay maghanda na ang tropa ni coach Yeng Guiao upang hindi tayo maging talunan. ‘Di ba?
Naaalala pa ba ninyo itong si Ms. Rita Magdalena, na dating sexy star? Nasa Pinas siya ngayon, katunayan kagabi ay nasa MOA Arena siya. Kung ‘di ako nagkakamali ay kasama niya ang kanyang anak na si Viana. Ang dalawa ay sumuporta sa team ng Magnolia para kay Rome dela Rosa. Si Rita ay naging nobya ng dating PBA player na si Louiel Briones. Sa totoo lang ha, kahit may dyunakis na ang dating actress ay super sexy pa rin siya at hindi nagbabago ang kanyang alindog.
Comments are closed.