5 PNP OFFICIALS KINAPOS SA PERFORMANCE

Archie Gamboa

BULACAN – PINA­LITAN ni Philippine National Police Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa sa kani-kanilang puwesto ang limang opisyal sa region 3  kabilang ang Acting PNP Bulacan Provincial Director na si Col. Emma Libunao, at  ang apat na  iba pang police chief.

Bunsod umano ng kabiguan ng mga ito na mapigil ang ilegal na sugal sa kanilang mga nasasakupan bukod pa ang mga un-solved crimes tulad ng pagpaslang sa magbayaw sa bayan ng Pandi at mag-live in partner sa bayan ng Hagonoy.

Ipinag-utos ni Gamboa na alisin sa puwesto sina Lt. Col Orlando Castil Jr. ng San Jose del Monte City, Lt.Col. Omar Fiel ng Sta. Maria, Lt.Col. Aparejado ng Gui­guinto at PMaj. Restetuto Granil ng PSOG.

Samantala,  pansamantalang papalit bilang bagong PNP Provincial Director si Acting  P/Col. Lawrence Bonifacio Cajipe, mula sa Highway Patrol Group. THONY ARCENAL