CAGAYAN – SINIMULAN na ang pagpapalit o reshuffle sa mga Provincial Election Supervisors sa limang lalawigan sa Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya, Quirino, at Batanes, bilang paghahanda sa nalalapit na 2019 midterm election sa boong bansa.
Ayon kay Assistant Regional Director Jerbee Cortez ng Comelec Region 2 na nagsimula ang pagpapalit ng Provincial Election Supervisor noong Disyembre 28, 2018, upang simulan na nila na gampanan ang kani-kanilang mga tungkuilin bilang isang Provincial Election Supervisors ng Commelec sa bago nilang nasasakupan.
Mismong ang mga Provincial Election Supervisor ang pumili ng kanilang magiging Area of Responsibility para sa nalalapit na halalan.
Si Provincial Election Supervisor Atty. Manuel Castillo ng Isabela ay napunta sa Cagayan, habang si Provincial Election Supervisor Michael Camangeg ng Cagayan ay napunta sa Isabela.
Si Provincial Election Supervisor Abraham Johnny Asuncion ng Nueva Vizcaya ay napunta naman sa lalawigan ng Batanes, habang si Provincial Election Supervisor Atty. Irving Calauad ng Batanes ay napunta sa Quirino at si Provincial Election Supervisor Atty Erwin Valerozo ng Quirino ay napunta naman sa probinsiya ng Nueva Vizcaya.
Samantala, nilinaw naman ni Assistant Regional Director Cortez na mananatili sa balota ang mga nuissance candidate hanggat hindi pa naidedeklarang panggulong kandidato at wala pang desisyon sa kaniyang estado. IRENE GONZALES