NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Angeles, Pampanga ang limang puganteng Chinese na wanted sa kanilang lugar dahil sa economic crimes.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay nasakote nitong Lunes ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa Carmenville at Pulu Amsic Subidivisions sa Angeles City, Pampanga.
Kinilala ni Morente ang mga suspek na sina, Yin Lei, Zhang Xianle, Chen Di, Chen Manping, at Pan Jia Wei na agad na dinala sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City .
Kinokonsidera ng pamunuan ng BI ang mga suspek na undocumented aliens dahil ipinakansela ng pamahalaan ng China ang kanilang mga pasaporte.
Ayon pa kay Morente, kapag kinansela ang pasaporte ng isang dayuhan ay nangangahulugan na wala nang prebilehiyo ito na manatili sa bansa dahil sa pagiging undocumented alien.
Sinabi naman ni BI intelligence officer at FSU Chief Bobby Raquepo na ang limang Chinese nationals ay pumasok sa bansa upang maiwasan ang kanilang mga nagawang kasalanan sa kanilang lugar. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.