PARAÑAQUE CITY– LIMANG pulis sa Makati na nag-imbestiga sa isang kaso ng kidnapping ang umano’y pansamantalang ikinulong sa loob ng isang mall sa Parañaque noong Sabado.
Ayon kay Maj. Gideon Ines, hepe ng Makati Police Criminal Investigation Branch, kasama ang kanyang apat na tauhan ay magsasagawa sila ng imbestigasyon laban sa isang Chinese at iinspeksiyon sana ang isang sasakyan na naka-rehistro sa isang online gaming hub na makikita sa loob ng isang mall nang sila ay pigilan ng dalawang security guard.
Ayon kay Ines, napag-alaman nila na ang dalawang security guard na pumigil sa kanila sa pagsasagawa ng inspeksiyon sa sasakyan at isinara ang pinto ng lobby ng mall ay mga dating pulis.
Dagdag pa ni Ines, na nangako ang management ng mall na kanilang isu-surrender ang mga suspek pati na ang sasakyan subalit hindi pa rin nila ginagawa. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.