5 PULIS UTAS, 2 SUGATAN SA ENGKUWENTRO

CAMARINES NORTE – PATAY ang limang pulis habang dalawang iba pa ang nasugatan nang makasagupa ang grupo ng umano’y communist terrorist sa Labo.

Sa ulat na nakarating sa PNP Joint Operation Center nagsasagawa umano ng combat patrol ope­ration ang mga elemento ng 1st platoon ng Camarines Norte Provincial Mobile Force Company (1st PMFC), hindi kalayuan sa kanilang himpilan nang masabat nila ang isang grupo ng mga armadong kalalakihan.

Ayon kay PNP Officer in Charge P/Lt General Guillermo Eleazar. bandang alas -9:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa mga tauhan ng 2PMFC na naatasang magbigay seguridad sa isang ongoing road project Purok 6 sa Barangay Dumagmang.

Tumagal ng ilang oras ang bakbakan kung saan napatay ang limang pulis saka mabilis na umatras ang mga hinihinalang New People’s Army patungo sa magubat na bahagi ng ng Mt. Labo.

Ayon kay Eleazar, batay sa direktiba ni PNP, Police General Debold Sinas at pakikipag- ugnayan kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff LtGen Cirilito Sobejana, inutos ang pagtugis sa mga tumatakas na rebelde at sa mga posibleng nagbigay ng suporta sa mga ito. VERLIN RUIZ

One thought on “5 PULIS UTAS, 2 SUGATAN SA ENGKUWENTRO”

Comments are closed.