KUMUSTA, ka-negosyo? Sana’y ok naman ang kalagayan mo. Maraming dahilan upang maging lugmok sa kinatatayuan ng ating krisis dahil sa pandemya. Pero ang totoo, desisyon ang pagiging masigasig o tamad, o maging positibo o negatibo.
Sa panahong ito, lalo tayong dapat na maging positibo at gamitin ang panahong ito bilang oprtunidad upang magtayo ng isang negosyo. Madaling sabihin, pero ang pag-uumpisa ay isa ring desisyon na kailangang may kaakibat na responsibilidad, mula sa konsepto, pagpaplano, at pagsisimula sa eksekusyon nito. Ibabahagi ko ngayong araw na ito ang ilang puntos na kailangan mong paghandaan bago ka magsimula sa startup mo. O, tara na at matuto!
#1 Suriin ang Konsepto ng Negosyo
Mukha bang madali ang unang puntos na ito? Simple lang naman dahil nais mong malaman kung ano nga ba ang konseptong naiisip mo sa startup mo. Negosyo ito at ‘di laro-laro lang. Tunay na mundo. Reyalidad.
Kaya naman, kailangang makatotohanan naman ang konsepto at pasok siya sa kasalukuyang panahon. Para mas simple, ito ang itanong mo muna sa sarili mo patungkol sa konspeto mo:
- Napapanahon ba?
- May problema ba itong sosolusyonan?
- Kakagatin kaya ito ng merkado?
- May kaalaman ba ako rito?
- Makatotohanan ba ito?
- Legal ba ito?
- May kakumpitensiya ba ako o may nauna na rito?
Ilan lang ‘yan sa mga dapat mong itanong sa sarili – o sa ibang tao bago mo isalang ang konsepto mo at mapalawig pa ito.
#2 Magsaliksik muna
Bukod sa pagsasaliksik sa konsepto mo, kailangang saliksikin ang buong proseso ng pagnenegosyo nang naaayon sa konsepto mo. Maraming kaakibat na responsibilidad at sanga-sangang problema ang makakaharap mo. Natural lang ‘yan. Kaya naman bago ka sumalang, alamin mo ang mga ito.
Isang simpleng paraan ay ang paggawa ng SWOT Analysis. Simple lang naman ito:
- Strengths – ito ‘yung kalakasan ng konsepto mo laban sa iba
- Weaknesses – kahinaan naman nito kumpara sa kalaban
- Opportunities – ano pa ang mga bagay na ‘di agad benepisyo nito
- Threats – ano-ano ang mga maaring maging balakid sa negosyo
Saan at paano ka magsasaliksik? Una, sa Internet. Maraming mga tanong at kapareha ng iniisip mo ang maaaring lumitaw dun. Sabayan mo na rin ng pagsasaliksik sa social media gaya ng Facebook kung saan may mga kakumpitensiya o halos katulad ng naii-sip mo. Makikita mo ang mga ginagawa nila at kung saan sila matagumpay at hindi.
Ang isa pang mainam na paraan ng pagsasaliksik ay ang pagtatanong sa ibang eksperto o kaya’y sa katulad na negosyo. Puwede kang kumuha ng mentor dito lalo na patungkol sa mga legalidad at kung paano talaga kikita – o hindi. Alamin mo lahat.
Halimbawa, pinasukan ko ang pag-invest sa Axie. Bago ko gawin ito, nagtanong ako sa mga player, sa mga kapwa investor, at nagsaliksik ako sa Internet. Pinanood ko ang video sa YouTube ni Chinkee Tan ukol dito. Pagkatapos nun, tsaka lang ako sumabak. Pero ‘di naman malakihan.
#3 Tingnan ang merkado
Bawat negosyo – produkto man o serbisyo – may merkadong tinatarget. Madalas, ito ang nagiging pagkakamali ng mga startup kung saan ang mismong gumagamit o bumibili ay iba sa unang naiplano.
Halimbawa ay ang negosyo namin sa FAME, kung saan mayroon kaming tinatawag na transponder upang ‘di mawala ang bangka at mangingisda kung bumagyo sa karagatan. Matapos ang mahigit dalawang taon ng paglilibot sa mga mangingisda upang maibenta ang produkto, nalaman namin na mas gagamitin pala ito sa pagtala kung saan nahuli ang isda at inirereport sa isang pangmundong talaan. Dahil dito, tumataas ng 30 porsiyento ang halaga ng isdang nahuhuli at ibinebenta abroad. Ang tuna ang isa sa mga isdang malaki ang presyo kapag naitala ito. Ang epekto ay ang paglaki ng kita ng mangingisda na siya palang pangunahing pangangailanagn na tinutukan namin. Ang naging mga kostumer namin ay ang mga may-ari ng mga bangka (o bapor) at mga trader, at ‘di ang mga mangingisda mismo.
#4 Gumawa muna ng pangunahing istratehiya sa pag-market
Bago mo gawin ang kabuuang Business Plan, gumawa ka muna ng mga pangunahing istratehiya kung paano mo i-market ang produkto o serbisyo mo. Kailangan mo itong unahin para maiangkop sa kabuuang plano, kasama na ang mga kakailanganing pondo at iba pa. Ano ba ang dapat gawin dito?
Una ay iangkop ang mga istratehiya nang naayon sa merkadong napili mo. Tingnan mo ang iba’t ibang paraan para sila’y maabot at maihatid ang mensahe mo.
Ikalawa, saliksikin ang ginagawa ng mga kakumpitensiya sa kaparehong industriya. Kung wala dun, tingnan sa ibang bansa. Kung wala pa rin, maghanap ka ng halos kadikit na produkto na ginagamit ng target na merkado.
Ikatlo, laanan ito ng pondo at tsaka mo isama sa Business Plan mo.
Kung iniisip mo kung ano ang magiging basehan ng pondo, tingnan mo ang mga pangunahing gamit sa digital marketing gaya ng ads sa Google at Facebook, kasama na ang pag-boost. Puwede mo ring isama ang gastos sa paggawa ng website at SEO na pangunahing gagawin talaga dapat.
#5 Gawin ang Business Plan
Sa lahat ng gagawin mo at rerebyuhin taon-taon, ang Business Plan mo ang nasa sentro nito. Madalas, pagkatapos ng ilang taon, ‘di na ito pinapansin kasi ok ang negosyo. Pero kung humihina na o nagka-kaproblema, tsaka na lang ito binabalikan. Mali ‘yun.
Tandaan mo na ‘di ka magkakadireksiyon kung ‘di mo ito binabasa at nirerebyu. Kahit ikaw lang ang tao sa negosyo mo, kailangan ito. Ano ba ang mga pangunahing nilalaman ng Business Plan? Ang iba-bahagi ko ay ang tinatawag na Business Plan para sa mga Lean Startup. Ito ‘yung sa mga nag-uumpisa na ‘di malaki ang pondo sa simula:
- Pangunahing partner o pakikipagsosyo (Key Partnerships)
Tandaan ang iba pang mga negosyo o serbisyo na makikipagtulungan ka upang patakbuhin ang iyong negosyo. Pag-isipan ang tungkol sa mga tagatustos, tagagawa, subkontraktor, at katulad na mga kasosyo sa madiskarteng pamamaraan.
- Pangunahing aktibidad (Key Activities)
Ilista ang mga paraan na ang iyong negosyo ay makakakuha ng isang mapagkumpitensiyang kalamangan. Bigyang-pansin ang mga bagay tulad ng pagbebenta nang direkta sa mga consumer, o paggamit ng teknolohiya o tools.
- Pangunahing mapagkukunan ng gamit o pondo (Key Resources)
Ilista ang anumang mapagkukunan na magagamit mo upang lumikha ng halaga (o value) para sa iyong kostumer. Ang iyong pinakamahalagang assets ay maaaring kasama ang tauhan, kapital, o intelektuwal na pag-aari (IP).
- Panukalang halaga (Value Proposition)
Gumawa ng isang malinaw at nakahihimok na pahayag o mensahe tungkol sa natatanging halaga (o value) na dinadala ng iyong negosyo sa merkado.
- Relasyon sa kostumer (Kostumer Relationship)
Ilarawan kung paano makikipag-ugnayan ang mga mamimili sa iyong negosyo. Ito ba ay awtomatiko o personal? Personal o online? Pag-isipan ang karanasan ng kostumer mula simula hanggang matapos ang transaksiyon.
- Pagkakaiba ng bawat kostumer (Customer Segments)
Maging tiyak kung pinangalanan mo ang iyong target na merkado. Ang iyong negosyo ay hindi para sa lahat, kaya mahalaga na magkaroon ng isang malinaw na kahulugan kanino ang paglilingkuran o ta-targetin ng iyong negosyo.
- Mga Channel (Channels)
Ilista ang pinakamahalagang mga paraan upang makipag-usap ka sa iyong mga kostumer. Karamihan sa mga negosyo ay gumagamit ng isang halo ng mga channel at na-optimize ang mga ito sa paglipas ng panahon.
- Istraktura ng gastos (Cost Structure)
Magtutuon ba ang iyong kompanys sa pagbabawas ng gastos. Tukuyin ang iyong mga diskarte, pagkatapos ay ilista ang pinakamahalagang mga gastos na haharapin mo sa paghabol ng pondo rito.
- Mga pagkukunan ng kita (Income Streams)
Ipaliwanag kung paano kumikita ang iyong negosyo. Ang ilang mga halimbawa ay direktang mga benta, bayad sa pagiging miyembro (subscription), at pagbebenta ng espasyo sa advertising. Kung ang iyong negosyo ay may maraming mga pagkukunan ng kita, ilista ang lahat ng iyon.
KONKLUSYON
Ilang mga puntos lamang ang aking nabanggit dahil na rin sa limitadong espasyo. Marami pa naman akong tips sa pag-tatayo ng startup sa aking website na homernievera.com. Bisitahin mo lang. Ang bawat negosyo ay nangangailangan ng natatangi at masinop na pagtutok sa maraming bagay at aspeto upang maihatid ang mga resultang nais mo. Kung hindi ka nakakakuha ng naaayon na mga resulta, kailangang suriin ang mga nagawa na at i-adjust ang mga gawain mo. Sa lahat ng gawain sa negosyo, maging masipag, matiyaga, masinop at manalig sa dasal mo.
Si Homer ay isang technpreneur at makokontak sa [email protected].
I think that everything composed made a lot of sense.
But, think on this, what if you added a little information? I
ain’t saying your information is not good., but what
if you added something that makes people want more? I mean 5
PUNTOS PARA MAAYOS NA MAITAYO ANG STARTUP MO – is kinda plain. You could look at Yahoo’s
front page and see how they create article titles to grab viewers interested.
You might try adding a video or a related pic or two to get readers excited about everything’ve got to say.
Just my opinion, it could make your website a little livelier.
109264 103464You ought to join in a contest first with the greatest blogs on the internet. I will recommend this web site! 568823
777436 133900Fantastic post. I appreciate your attention to this subject and I learned a whole lot 254503
318360 541857Some truly outstanding articles on this internet website , thankyou for contribution. 751915