SINAMPAHAN ng Department of Justice (DOJ) ng kasong money laundering ang limang opisyal ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) kaugnay sa cyber heist na $81 million mula sa Bangladesh central bank noong 2016.
Sina Raul Victor Tan, Ismael Reyes, Brigitte Capiña, Romualdo Agarrando at Angela Ruth Torres ay inakusahan ng isang DOJ prosecutor ng paglabag sa Section 4 ng Republic Act No. 9160, as amended, sa Makati Regional Trial Court Branch 141.
Si dating RCBC branch manager Maia Deguito ay nauna nang hinatulan sa walong bilang ng paglabag sa anti-money laun-dering law kaugnay sa parehong kaso noong Enero. Sinentensiyahan siya ng pagkabilanggo ng mula apat hanggang pitong taon para sa bawat bilang at pagmumulta ng mahigit sa $109 million.
Sa pagkakataong ito ay sinabi ng DOJ na alam umano ng limang opisyal na ang $81 million na idineposito sa apat na dollar ac-counts sa sangay ng RCBC sa Jupiter, Makati ay nagmula sa hacking ng Bangladesh Bank system.
Ang holders ng dollar accounts — ‘Michael Francisco Cruz’, ‘Jessie Christopher Lagrosas’, ‘Alfred Santos Vergara’, at ‘Enrico Te-odoro Vasquez’ — ay natuklasang ‘fictitious’.
Isinampa ng DOJ ang kaso makaraang ibasura ang motions for reconsideration na inihain ng limang opisyal ng RCBC noong nakaraang Mayo 10 dahil sa kawalan ng merito.
Dinala ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat ang kaso sa korte makaraang aprubahan ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.
Kumpiyansa naman ang RCBC na mapapawalang-sala ang naturang mga opisyal dahil sa kanilang imbestigasyon na isinagawa ng independent third parties, lumitaw na ang mga akusado ay walang alam sa sinasabing money laundering activity.
“We expect the complaint to be dismissed consequently,” ayon sa RCBC.
Comments are closed.