5 SALTO SA PAGHAWAK NG SUWELDO

quarantips

TAKANG –TAKA ka ba kung bakit sobra-sobra naman ang iyong suweldo at iba pang other income ay kapos ka pa rin?

Kakasweldo mo palang ay nagagamit mo na ang iyong credit card.

May mali o salto ka sa paghawak ng sweldo o salapi at para matulungan kayo ng Pilipino MIRROR, narito ang aming tips para alamin ang limang dapat mo nang iwaglit sa paghawak ng pera.

  1. MAHILIG SA BRANDED – Isa sa malalaking pagkakamali sa pagbili ng kagamitan gaya sa damit, sapatos, bag, cellphones, kagamitan sa bahay at maging sa cellphones ay ang pagiging mahilig natin sa branded. Okay lang naman kung nais ng branded ay para maging praktikal gaya sa sapatos na matagal gagamitin para makatipid at hindi na bibili pero kung sandamukal naman nito, ay ibang usapan na iyon. Kaya para umabot sa susunod na swelduhan ang suweldo, iwasan ang pagiging adik sa branded. Hindi naman namin pinipilit na bumili ka ng unbranded, siguro ay kung may extra ka lang para naman ma-pamper mo ang sarili mo, pero kung kada sweldo, aba mag-isip-isip ka na.
  2. MAGARBO SA PAGKAIN – Hindi naman naming pinipigilan na kumain ka ng higit sa tatlo ang ulam. Okay lang iyon kung ikasasaya at ikalulusog mo. Pero teka, kung ito ay makakasama at masyadong mahal na tapos ay mapapanis at itatapon lang, no, no, no! Maari ka namang umorder sa paborito mong restaurant dahil sabi mo nga kaya ka kumayod ay para kumain. Pero tiyakin mo na walang mawawaldas o masasayang sa mga inorder na mamahaling pagkain. Tipid-tipid din kapag may time o kaya naman, ibahagi sa iba pero huwag ang left over ha, bawal ngayong pandemya.
  3. MABISYO – Ito ‘yung bisyong hindi kailangan. Okay lang kung bisyo mo branded na sapatos, bag, damit at kung ano-ano pa, pero kung ang bisyo mo ay nightlife, hinay-hinay naman. Bad din kung alak at sigarilyo dahil masisira ang iyong kalusugan. Drink and smoke moderately. At ang pinaka-bad na bisyo ay ang magsugal. Dahil sadyang walang sapat na halaga na sweldo kapag nalu-long ka. Isa pang maling bisyo para sa mga may asawa na, ay ang magkaroon ng extra marital affairs dahil kaakibat niyon ay giyera ng inyong esposo/esposa at mas magastos pa kung ma-extend pa inyong pamilya. Kaya iwas din sa bisyo kapag may time!
  4. ADIK SA SALE AT PROMO – For your information, walang sale! Ang nakikita ninyong sale ay hindi naman discounts. Sinong negosyante ang magtitinda ng palugi? Binawasan lamang ang presyo para mabili at ang nasabing produkto ay tira na lamang na kailangang i-convert sa peso.  Kaya ibig sabihin, bibilhin mo pa rin sa mas mababang halaga kumpara sa unang labas ng naturang produkto.
  5. GUMAGAMIT NG CREDIT CARD – Isa pang salto ay ang paggamit ng credit card kahit may pambili. Kapag kasi may credit card, parang nasa isip mo na hindi ka naglabas ng pera pero ang totoo mas malala pa. Naeengganyo ka kasi magpa-swipe nang magpa-swipe at lumalagpas sa iyong budget ang pamimili.  Ang credit card kasi dapat tama ang paggamit at malakas ang self control.  Dahil sadyang kakapusin ang sweldo mo dahil mapupunta lamang sa pambayad ng credit card ang iyong sweldo.  Quaran-Tips ng Pilipino MIRROR sa iyo, iwan na lang sa bahay ang credit card para sakaling magkayayaan kayo ng officemate sa mall, may alibi ka na hindi mo dala ito at hindi magamit.

One thought on “5 SALTO SA PAGHAWAK NG SUWELDO”

Comments are closed.