5 SAYYAF BULAGTA SA ENGKUWENTRO

Major Arvin Encinas

SULU – SA unang sagupaan ay dead on the spot ang apat na kasapi ng Abu Sayyaf nang masabat ng Marine Batallion Landing Team 6 at 64th Marine Company na nagsasagawa ng focused military ope­ration sa Barangay Lakit-Lakit, Sapa-Sapa.

Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng AFP- Western Min­danao Command (Wesmincom), naganap ang unang sagupaan bandang alas-5:00 ng mada­ling araw nang matiyempuhan ng pinagsamang puwersa ng militar ang tinata­yang nasa sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Kinilala ang mga nasawing miyembro ng ASG na sina Oyong Maulana, Datu Solon Maulana, Rashida Maulana, at Nhadz Omar.

Nakuha sa mga napatay na suspek ang mga malalakas na kalibre ng baril gayundin ang ilang sachet ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia at dalawang cellphone.

Samantala, pinuri naman ni AFP Wesmincom chief Lt. General Cirilito Sobejana ang tropa na  kasalukuyang tinutugis pa rin ang mga nakatakas na tero­rista.

Samantala, sa isa pang sagupaan ay napatay ng militar ang isa pang ASG sa isla ng Sulare, Parang, Sulu.

Sinabi ni Sobejana, nasa combat patrol ang mga sundalo nang makasagupa ang teroristang grupo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.