5 SAYYAF SAKOTE, SHABU AT PUMP BOATS NAREKOBER

shabu

SULU – LIMANG lalaki na hinihinalang Abu Sayyaf Group (ASG) members at 28 sachets na naglalaman ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Marine Battalion Landing Team 8 ng Philippine Navy Marines at Banguingui Municipal Police Station sa karagatang sakop ng Brgy. Tainga, Bakkaw.

Ayon kay Capt. Felix A. Serapio, Phil. Navy-Marine Director, Marine Corps Public Affairs Office, isang joint law enforcement ang kanilang inilunsad matapos makatanggap ng  impormasyon hinggil sa mga hinihinalang drug dealers at mga kasapi ng Abu Sayyaf terror group na paparating mula sa karagatang sakop ng  nasabing barangay.

Nang masabat ng awtoridad ang dalawang pump boat na itinuro ng mga impormante ay na­rekober sa mga hinihinalang bandido ang shabu, drug paraphernalia at isang magazine assembly para sa  caliber .45 at may limang bala.

Agad na dinala ng mga sundalo ang kinum­piskang droga at dalawang pump boat kasama ang limang suspek sa Banguingui Municipal Police Station para sa paghahain ng kaukulang kaso. VERLIN RUIZ

2 thoughts on “5 SAYYAF SAKOTE, SHABU AT PUMP BOATS NAREKOBER”

  1. 118732 260320Hi my friend! I want to say that this post is awesome, good written and contain almost all significant infos. Id like to see far more posts like this . 786530

Comments are closed.