5 SIMPLENG TAKTIKA SA MARKETING PARA SA NEGOSYO

homer nievera

MAY plano kang mag-launch ng isang produkto sa iyong negosyo. Wala kang halos badyet. Ano ang gagawin mo?

Sa panahon ngayon, basta may akses ka sa internet, makagagawa ka ng epektibong taktika para sa marketing mo. Malamang, ang una mong nasa isip ay ang paggamit ng social media. Maaaring tama ka pero ‘di lahat ay nakasalalay roon. Narito ang apat na taktikang maaaring magamit mo agad.

#1 Magsulat ng Artikulo sa Isang Blog

Maraming nagsasabi na kung maging viral ang iyong post, makatitipid ka sa gastos sa marketing. Ngunit mas mainam mag-simula sa pagsusulat ng isang artikulo para sa isang produkto at tsaka mo i-post sa social media.

Panahon ngayon ng dengue. Ang dengue ay dala ng lamok. May isa kaming produkto na gawa sa citronella at neem, na natural na gamit kontra pagdapo ng lamok sa balat ng tao. Gumawa kami ng ilang artikulo ukol sa ingredients na ito, lalo pa at bawal ang mga kemikal na katumbas nito. Nang aming ikinalat ang mga artikulong ito, nagkaroon ng kamalayan ang tao ‘di lang tungkol sa dengue kundi sa mga natural na paraan para makatulong sa pagdepensa dito. Sa mga artikulong inilabas namin, nakasulat ang brand namin na Buzzoff na halimbawa ng produktong may citronella at neem. Kung mabasa mo ito, ano’ng brand kaya ang mas maaalala mo?

#2 Paggawa ng Video

Ang mga kabataan ngayon ay halos ‘di na nanonood ng TV. Sa social media na sila ngayon nanonood ng iba’t ibang video. Kaya naman mas mainam ang gumawa ng sarili mong video kung ikaw ay mag-market ng produkto o serbisyo mo. Siguraduhin mo lang na akma sa merkado mo at ‘di kailangang hard-sell ito.

Isang halimbawa ay ang mga video ng Jollibee na kilalang tagos sa puso ang mga tema. ‘Yung mga ganoong klase ng video ay tumatak na sa tao, ‘di ba? Pero tingnan mo ang laman ng mga video nila kung saan sa Jollibee outlets sila nag- shooting, at mga produkto nila ang nakikita. Simple, ‘di hard-sell, epektibo.

#3 Mobile Marketing

Kung nasa EDSA ka at nakikita mo ang naglalakihang billboard, malamang iniisip mo na sana kaya mong makipagsabayan sa mga may malaking budget sa patalastas na ‘yun. Kung may isang milyong piso ka, mga isa hanggang tatlong buwan lang ‘yun aabot sa EDSA. ‘Yan ay makikipagsabayan pa sa daan-daang mensahe sa mga billboard sa EDSA.

Pero kung ang ads mo ay nasa cellphone na ng mga tao, lalo pa at sila ay mga commuter o pasahero ng bus, grab at MRT sa EDSA, mahahagip mo sila. Maraming paraan sa mobile marketing na magagamit. Ang pinakasimple ay ang paglabas ng ads sa mga social apps na nakapaloob sa mga gaya ng Instagram, Facebook, Twitter, Youtube, at marami pang iba.

Sa halagang 40 pesos, kaya mong maglabas ng social mobile ads na aabot sa halos isang libong tao! Ang mainam pa rito, magagawa mong ayusin ang ‘preferences’ o pag-target sa iyong merkado. Mas masinsin, mas mainam. ‘Di ka aabutin ng mi-lyon-milyong pisong budget dito.

#4 Paggamit ng E-Commerce Marketplace

Kamakailan, naglabas kami ng produktong shampoo na gawa sa gugo at aloe vera. Ang tatak nito ay Daila. Nakuha namin ang eksklusibong distribution sa online na merkado. Inuna muna naming ayusin ang e-commerce website kung saan may kaka-yahang magbenta online. Kasunod nito ay ang pagsasaayos ng aming Facebook store. Matapos na maisagawa ito, agad kaming nag-setup ng Lazada Shop. Sa loob lamang ng 24 oras mula nang mailabas ang produkto sa Lazada, nakabenta kami ng unang apat na produkto naming Daila Gugo Shampoo Bar. ‘Di pa kami nakapag-promote nun, nakita agad sa aming online store ang produkto.

Sundan sa pahina 5

Comments are closed.