5 SPECIALIZED COURSES BINUKSAN SA PNP-SAF

BINUKSAN ng Philippine National Police (PNP) ang limang specialized training courses para sa Special Action Force upang marami pang malaman sa tactical capability bilang police national maneuver force.

Sabay na binuksan ang kurso nitong Disyembre 8.
Ang mga ito ay SAF Commando Course Classes 120 and 121-2022, SAF Basic Airborne Course class 55-2022, Basic Mechanized Operation Course class 03-2022, SAF Sniper Course 14-2022, Intelligence Basic Course CLASS 59-2022, at Parachute Packing Course Class 01-2022.

Nanguna sa SAF training courses ay si PNP Chief General Rodolfo S Azurin Jr. sa pamamagitan ng simple ceremonies sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Idiniin naman ni Azurin na ipagpapatuloy ng PNP ang pagsusulong ng operational capability at efficiency ng PNP-SAF sa performance ng mga personnel at mandato nito.

Sa talumpati ni Azurin, ang PNP elite unit ang bumuhay sa kahalagahan ng paglilingkod sa Maykapal, bansa at sangkatauhan kaakibat ang pinakamahusay na paglilingkod at SAF motto na “By skill and Virtue, We Triumph”.

“We must be bolder, tougher, stronger and faster than the evil elements we are fighting against. We thus need men and women in the police force who will respond to the demands of the job and the expectations of the people we serve and protect,” bahagi ng mensahe ni Azurin sa pagbubukas ng limang kurso sa SAF. EUNICE CELARIO