5 STAFF NG BASILICA DEL SANTO NIÑO DE CEBU POSITIBO SA COVID-19

Delfin Lorenzana

PANSAMANTALANG isinara ng local na pamahalaan sa publiko ang Basilica del Santo Niño de Cebu makaraang magpositibo sa CO­VID-19 ang lima sa mga staff  nito.

Gayunpaman, ni­linaw ng pamunuan ng simbahan na negatibo sa COVID-19 ang pitong pari nang sumailalim sa swab test.

Nauna nang inilagay sa isolation ang mga pari at ilang staff nito matapos na makitaan ng sintomas ng COVID-19 at agad na nag-swab test na kung saan nagpositibo ang limang staff nito.

Ayon kay Fr. Andres Rivera, Jr., provincial superior ng Order of Saint Agustine, nananatiling asymptomatic ang lima na Ngayon ay nasa ika-13 araw na ng kanilang quarantine.

Sinabi naman ni  Defense Secretary Delfin Lorenzana, chairman ng  National Task Force (NTF) for COVID-19 na tinututukan nila ang Cebu dahil sa biglang pagdami ng kaso ng coronavirus disease.

“Lumitaw ngayon na dumami yung bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cebu, so pinag aaralan namin kung ano ang dahilan kung bakit nagkaroon ng spike yung Cebu City, “ diin ni Lorenzana. VERLIN RUIZ

Comments are closed.