ZAMBOANGA DEL SUR – TATLO sa limang estudyante na tinamaan ng kidlat ang nasawi habang nangunguha ng saging sa bayan ng Bayog sa lalawigang ito.
Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP)-Bayog, magpipinsan ang mga bitkima na nagtungo sa kabundukan upang kumuha ng saging para itinda.
Gagamitin umano ng mga bata ang kikitain sa pagtitinda ng saging para maipambayad sa kanilang school intramurals.
Ayon naman sa Bayog Police, naisugod sa ospital ang mga biktima subalit tatlo sa mga ito ay dead on arrival.
Ang mga biktima na nasawi ay nasa edad 13 hanggang 16 habang ang patuloy na ginagamot ay edad 15 at 20.
Inilipat ang dalawang nakaligtas sa Zamboanga del Sur Medical Center sa Pagadian City, kung saan ang isang biktima ay kinailangang isailalim sa operasyon o surgery dahil nagtamo ng severe burns.
EUNICE CELARIO