5 STUDES TINANGAY NG ALON

Alon

QUEZON – LIMANG estudyante ng Bondoc Peninsula Agricultural High School (BPAHS) ang tinangay ng alon sa dagat sa bahagi ng Brgy. Sta. Rosa, bayan ng Mulanay kahapon.

Kinilala ng Mulanay-PNP ang mga biktima na sina Edgar De Villa, 15-anyos, Grade 8, residente ng Brgy. Anonang; Richard Rapia, 15, Grade 8; Roiel Remo, 13, Grade 8 na kapwa residente ng Brgy. Burgos; at ang magkapatid na kambal na sina Jamewill Buesan at Jaymar Buesan, 15-anyos, Grade 9, residente ng Sitio Inawitan, Brgy. Burgos.

Batay sa report ni Police Major Joselito Araja, hepe ng pulisya, dakong alas-10:00 ng umaga nang magkayayaan ang mga estudyante na maligo sa dagat at sa kasagsagan ng paglalaro ng mga ito sa tubig nang tangayin ng malakas na alon patungo sa malalim na bahagi ng karagatan.

Nagsagawa ng retrieval and rescue operation ang Mulanay-PNP, MDRRMO at barangay officials na nagresulta ng pagkakasagip sa dalawang estudyante na sina Rapia at Remo, habang ang kambal at si De Villa ay hindi pa natatag­puan at patuloy pa rin ang paghahanap ng awtoridad sa mga ito. BONG RIVERA

Comments are closed.