5 SUNDALO SUGATAN SA ENGKUWENTRO

SUNDALO

QUEZON – LIMANG sundalo ang  sugatan matapos makasagupa ng PNP-SAF RMFB at 80IB 2nd Recon Platoon 2nd Jungle Fighter Company 2ID Philippine Army na pinamumunuan ni Lt.Candog ang New People’s Army (NPA) habang nagsasagawa ng pagpapatrolya sa Sitio Little Baguio, Brgy.Magsaysay, Infanta dakong alas-8:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina Cpl.Astoveza ,Cpl.Gasagas, Pvt.Telan,at Pvt.Bistora na agad namang nadala sa pagamutan.

Tumagal ng halos 20 minuto ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at NPA at matapos nito ay umatras at tumakas na ang mga rebelde patungo sa bahagi ng Southwest.

Samantala kasunod nito bandang alas 3:05 ng hapon ay nagkaroon din ng sagupaan sa pagitan ng Charlie Company 85IB Phil.Army at NPA na nasa bilang na humigit kumulang sa pitong rebelde sa may bahagi Brgy.Villa Nacaob,Lopez,Quezon na tumagal din ng ­ilang minuto bago tuluyang umatras at tumakas ang mga rebelde.

Hinala ng militar ay may mga nasugatang NPA sa naganap na engkuwentro

kaya nagkasa agad ng mga checkpoint ang mga awtoridad at binantayan na rin ang mga ospital sa bayan ng Lopez sa posibleng pagkunan ng medical assistance ng mga NPA.

Wala namang napaulat na may nasawi at nasugatan sa panig ng mga sundalo. Ilang sunud sunod na rin na engkuwentro sa pagitan ng Militar at NPA ang naitala sa lalawigan ng Quezon simula ng pagpasok ng taong 2019. BONG RIVERA

Comments are closed.