(5 suspek na ang hawak ng PNP) KASO NG BEAUTY QUEEN, BF ISRAELI HINDI PA SARADO

BAGAMAN hawak na na ng Philippine National Police (PNP) ang limang suspek sa pagpaslasng kina Beauty Queen Geneva Lopez at Israeli Yitsak Cohen, hindi pa rin maituturing na sarado na ng kaso.

Hanggang kahapon, kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na tatlo ang inaresto at dalawa ang sumuko na nagbigay ng pahayag hinggil sa pagpaslang sa magkasintahan at ibinaon sa quarry site sa Capas, Tarlac.

Kahapon sa Monday Regular Press Conference sa Camp Crame ay iniharap sa media nina Interior Secretary Benhur Abalos, PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Leo Francisco ang dalawang dating pulis na sina Michael Angelo Guiang, umano’y may utang sa Israeli at Rommel Abuza.

Ang dalawang iniharap ay pawang dating pulis na may ranggong patrolman at kabilang si Guiang na umano’y may malaking utang sa Israeli dahil nagsanla umano ito ng lupa.

Gayunpaman, bagaman mayroong nakikitang motibo ng pagpaslang hindi pa sarado ang kaso.

“Sa amin nandoon na ang suspek na but, as long na hindi pa napa-file sa court hindi pa ina-accept, we could not say the case solved but on our part nandito na lahat ng ebidensiya,”ayon kay Marbil.

Samantala, aminado sina Abalos at Marbil na masakit sa kanila na dating pulis ang sangkot sa krimen subalit tiniyak ng PNP chief na ngayong may recruitment sila na 1,000 pulis ay magiging mabusisi sila sa screening at selection.
Iibahin din nila ang proseso sa screening, papalitan ang training at tanging nararapat na pulis lamang ang kanilang papapasukin sa organisasyon.
EUNICE CELARIO