QUEZON CITY – ARESTADO ang lima katao ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa ilalim ni QCPD District Director Police Brigadier General Joselito Esquivel Jr. na pinangunahan ng Galas Police Sation sa ilalim ni Police Lieutenant Col. Carilto Mantala.
Base sa nakasaad sa Pre-Operation and Coordination Report No. 10001-052019-0156, isang buy bust operation ang ikinasa para sa pagkakaaresto ng isang suspek dahil sa kasong Violation of Sec. 5 and Sec. 11 (Sale and Possession of Dangerous Drug) at pagkakaaresto naman ng apat na lalaki sa Violation of Sec. 11 (Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) sa Bayani St., near corner Biak na Bato St., Barangay Sto. Niño, Quezon City. Bandang alas-5:30 ng umaga nito lamang Mayo 7, 2019 para sa kasong Violation of Sec. 5 and Sec. 11, Art. 2 of RA 9165.
Kinilala ang mga suspek na sina Rommen Cipres, Jorge Allan Mabalot, alyas Mil; Allan Mendez at Ralph Ramirez.
Alas-5:30 ng umaga kahapn nang madakip ang lima sa isinagawang buy bust operation ng mga elemento ng PS-11 sa pangunguna ni PCPT Jovito Guevarra laban kay Cipres.
Isang pulis ang gumanap na buyer kaya nadakip ang lima. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.