5 SUSPEK SA LOPEZ-COHEN SLAY KINASUHAN NG PNP-CIDG

TARLAC – LIMA katao kabilang ang dalawang dating pulis ang pormal ng sinampahan ng kasong two counts of murder ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa pagpatay sa isang beauty queen at ng kanyang Israeli boyfriend.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil,  ipinagharap na ng kaso ang limang suspek na sinasabing responsable sa pagpaplano at pagpatay kina Geneva Lopez at Israeli boyfriend na si Yitzhak Cohen.

Hindi muna kinilala ni CIDG legal officer Col. Thomas Valmonte ang kakilanlan ng limang akusado sa kasong inihain sa Justice department kung saan magugunitang unang napa ulat na may tatlong dating pulis ang sangkot sa double murder case.

Lumitaw sa masusing imbestigasyon na usapin sa lupain na pag aari na ng mga biktima ang motibo naman  ng mga suspek na nais umanong bawiin ang property na kanilang unang  isinanla.

Sinasabing ang lu­pang pinag-uusapan ay isinanla ng respondents at nais umanong bawiin sa magkasintahan subalit tumanggi ang mga ito dahil may involved na pera na dapat na ibalik muna ng mga respon­dent.

Kaya umano pinagplanuhan ang dalawa at ang naging plano ay may bibiling iba. Sina­sabing may buyer umano ang mga suspek na nais na makita ang pro­perties kaya napapunta itong dalawang biktima sa lugar kung saan isinagawa ang planong pagpatay hanggang sa paglilibing sa mga ito.

Magugunitang may lumutang umanong testigo na may kinalaman sa paglilibing sa mga biktima kaya natukoy ang lugar na kinaroroonan ng mag nobyo na ilang araw nang iniulat na nawawala.

VERLIN RUIZ