5% TARIFF SA CHICKEN, TURKEY MDM IGINIIT

CHICKEN-TURKEY

NANINDIGAN ang mga stakeholder sa poultry at meat processing sector sa kanilang posisyon kaugnay sa panukalang pagpapanatili ng mababang taripa sa imported mechanically de-boned meat (MDM) at chicken at turkey offal.

Ayon kay Philippine Association of Meat Processors, Inc. (Pampi) Executive Director Francisco Buencamino, isusulong ng kanyang grupo ang pagpapanatili sa 5-percent tariffs sa chicken at turkey MDM at 20 percent sa  meat cuts at edible offal ng pabo.

“We are looking for the retention of the tariffs. We will continue to push for the retention,” wika ni Buencamino nang tanungin kung sang-ayon ang kanyang grupo sa posibleng kasunduan o alternative scenarios, matapos ang public hearing ng Tariff Commission (TC) sa panukala ng PAMPI na panatilihin ang mababang tariff rates sa turkey/chicken MDM at turkey offal.

Sa kanilang position paper na isinumite sa TC, iginiit ng Pampi na ang pagbabalik sa 40-percent tariff mula sa kasaluku­yang 5-percent sa chicken MDM ay magreresulta sa double-digit hikes sa ­presyo ng processed meat products tulad ng hotdogs at luncheon meat.

Ang MDM ay isa sa pangunahing raw materials na ginagamit ng meat processors upang makapagprodyus ng canned meat at hotdogs.

“The prices of hotdogs and canned meat products that contain MDM will be going up by 12 percent to 17 percent,” babala ng grupo sa kanilang position paper.

“But if the tariff on MDM stays at 5 percent, this price increase can be avoided,” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ni Buencamino na tatanggapin at susundin nila ang anumang magiging desisyon ng pamahalaan sa kanilang panukala.

“But if they decide otherwise, then what can we do? We won’t go against [their decision]. We will comply,” aniya. JASPER ARCALAS