UPANG matugunan ang bumibilis na inflation, inirekomenda ng economic managers ng administrasyong Duterte na ibaba ang taripa sa corn, fish at meat imports sa 5 percent, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
“We are leaning towards a uniform reduction to five percent, not zero.” wika ni Diokno.
“We want to make it five so it’s simpler, more uniform.”
Nauna nang hiniling ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpalabas ng isang executive order upang mabawasan ang taripa sa fish, corn, at meat imports at mapabagal ang inflation.
Ang kasalukuyang taripa sa imported meat products ay mula 10 hanggang 40 percent, habang ang isda ay may 10 percent duty at ang mais ay nasa 35 percent.
Ayon kay Diokno, maaaring magpalabas ang Pangulo ng executive order kapag walang session ang Kongreso.
“The President can increase or decrease tariffs… but the Congress has to declare a recess so the President can change it. We are really in that direction,” aniya.
Sa ilalim ng Section 1608 ng Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act, ay pinapayagan ang Pangulo na babaan o taasan ang import duties.
“The power delegated to the President as provided for in this section shall be exercised only when Congress is not in session,” nakasaad pa sa batas.
Nakatakdang mag-recess ang Kongreso simula Agosto 16 hanggang Agosto 27.
Comments are closed.