HINDI pinayagan ng Bureau of Immigration (BI) na makaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang female teenagers dahil sa pagpalsipika ng kanilang mga dokumento.
Ayon sa pahayag ni BI OIC Deputy Commissioner and Port Operations Division Chief Marc Red Marinas, nasabat ng kanyang mga tauhan sa NAIA Terminal 1 ang limang menor de edad na kababaihan habang papasakay sa kanilang flight patungong Riyadh, Saudi Arabia.
Nadiskubre ng mga tauhan ni Marinas na sindikato ng human trafficking ang nasa likod nito, sapagkat hindi maglalakas ng loob ang mga biktima na dayain ang kanilang mga edad.
May hawak na valid overseas employment certificates (OECs) employment contracts at working visa ang limang menor de edad at sa isinagawang interview ay hindi pare-pareho ang sagot ng mga ito lalo sa kanilang mga date of birth. Hindi muna binanggit ang pangalan ng mga biktima. FROI MORALLOS
Comments are closed.