5 TERORISTA TODAS, 29 SUMUKO VS MILITARY OPERATIONS

NASA limang terorista ang napaslang sa inilunsad na magkakahiwalay na focused military operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nag resulta sa pagsuko ng may 29 supporters nito.

Ayon kay Col. Jorry Baclor, AFP Information Office chief, dalawang Communist NPA Terrorists (CNTs), dalawang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at isang Abu Sayyaf bandit ang kanilang ng na-neyutralisa nitong nagdaang Linggo.

Napatay ang isang kasapi ng NPA sa naganap na sagupaan sa pagitan ng Philippine Army 78th Infantry Battalion at siyam na CNTs sa Barangay San Andres, Borongan City, Eastern Samar at nakasamsam ang mga sundalo ng anti-personnel mine na ipinagbabawal ng International Humanitarian Law, bukod sa iba pang war materiel mula sa mga tumatakas na NPA.

Sumunod na napatay ng mga elemento ng 5th Special Forces Battalion sa ilalim ng 1st Mechanized Brigade ang isang Marin Min Fay NPA leader sa matapos ang ikinasang operation sa Brgy. Laconon, T’Boli, South Cotabato.

Gayundin, napaslang naman ng militar ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter leader na si Abdulkarem Lumbatan Hasem at isang tauhan nito nang matunton sila ng Joint Task Force Central sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Si Abdulkarim Hasem na nakumpiskahan pa ng isang Taurus cal. 45 pistol ay namumuno sa isang grupo ng BIFF-Karialan Faction ay may existing warrants of arrest bunsod ng ibat ibang kasong kinakaharap nito.

Nang sumunod na araw isang kasapi ng Abu Sayyaf Terrorist Group ang napaslang sa sagupaan ng mga operatiba ng Army’s 111th Division Reconnaissance Company at 32nd Infantry Battalion sa Barangay Kabbon Takas, Patikul, Sulu. Isang M14 rifle at mga bala ang nakuha ng military sa encounter site.

Samantala, nasa 29 supporters ng communist terrorist groups na naging biktima ng communist ideology ang sumuko sa government forces bitbit ang kanilang mga armas sa 1st Brigade Combat Team, Philippine Army sa Barangay Pigcalagan sa Sultan Kudarat.

“The AFP attributes the mass surrender and the successful operations against local threat groups to the dedication of our troops who put their lives at risk to accomplish their mission. With the help of other law enforcement agencies, local government units and concerned citizens, the Filipino nation continues to reap the successes of the whole of nation effort towards a just and lasting peace,” pahayag naman ni AFP Spokesman Col Medel Aguilar.
VERLIN RUIZ