5 Tips Para Mapanatili ang Pagiging Positibo sa Harap ng Krisis

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Nitong mga nakalipas na araw, lumabas sa balita ang pagkakaroon ng dalawang namatay dahil sa Delta variant ng COVID-19. Ang Delta variant ay mabilis makahawa at malubha ang tama nito sa pasyente at mas nakamamatay. Ang pagkalubha ng sitwasyon sa India at Indonesia nitong mga nakaraang buwan at linggo ay lubhang nakababahala kung ikukumpara sa mga ginagawang pagbabakuna ng pamahalaan. Ang positibo na sanang pakiramdam ay muling nababalot ng nagbabadyang sakuna at negatibong vibes.

Sa ganitong panahon, kung saan ngayon pa lang tayo nagsisimulang umahon, paano ba natin maisasaayos ang ating sarili at kondisyon ng ating pananaw na maging laging positibosa harap ng mga ito? O, siya. Tara na at matuto!

#1 Pokus sa magagandang bagay

Sa panahong ito na tila wala ka namang magagawang pisikal talaga ay kailangang magpokus tayo sa kondisyon ng ating pag-iisip. Doon lang tayo sa mga magagandang bagay ituon ang ating atensiyon. Sabi sa isang artikulo sa Healthline, kahit pa maliit na bagay lamang ito, iyon ang ating pagtuunan ng pansin kaysa ‘yung problema. Halimbawa, may nagkansel ng meeting na nahirapan kang kunin  para sa negosyo mo.

Kaysa ituon ang pansin at enerhiya sa naturang pagkansel, ibaling ang pag-iisip mo doon sa oras na iyong nailibre para sa ibang bagay. Puwede mo rin lalong pag-isipan kung paano mo pa mapagaganda ang usapan ninyo ng ka-miting mo sana. Gamitin mo ang oras na ‘di natuloy.

#2 Magkaroon ng pananaw ng pagpapasalamat

Marami tayong dapat ipagpasalamat sa buhay. Alam mo ‘yan, ‘di ba? Ang paggising mo sa umaga, ang pagkakaroon ng pagkakataong makausap ang mga mahal mo sa buhay, at ang maraming maliliit na bagay na tila ‘di mo na napapansin.  Ang pagkakaroon ng ganitong pananaw ay nakatutulong din upang maging mapagkumbaba. Dahil dito, mas lumilinaw ang ating pag-iisip at nakaka-pokus tayo sa mas positibong aspeto ng buhay kaysa mga negatibo.

Kung palagi kang nagpapasalamat sa Diyos at sa iba, mas makikita mo ang malaking pagbabago sa pananaw mo sa buhay. Mas makikita mo ang mga biyaya ng Diyos na dati ‘di mo lang napapansin dahil abala ka sa maraming problema.

#3 Simulan ang araw sa positibong gawain

Malaking bagay ang nagagawa ng pag-umpisa ng tama at positibo upang ang buong araw mo ay mas maging kaaya-aya at nakababawas ng stress.

Halimbawa, ang una kong ginagawa sa aking paggising ay ang pag-inom ng dalawang basong tubig. Para sa akin, naiisip ko na nakabubuti ito sa katawan. Positbo agad, unang gawain ko pa lang. Susunod naman ang pagtimpla ng kape at pag-init ng pandesal na lalagyan ko ng mantikilya, o keso, o liver spread. Simpleng bagay, pero nakasasaya ng damdamin, ‘di ba?

Tapos, dadalhin ko ito sa aming maliit na altar at magsisimula na akong magdasal. Mga halos isang oras din ‘yun na ang tawag ko ay “Alamusal kasama ang Diyos.” Itong mga mumuting bagay na aking ginagawa ay ang panimulang mga gawain ko na alam kong positibo ang naidudulot. Kaya sa buong maghapon, kahit maraming trabahong papasok, mas magaan ang aking pakiramdam. Ikaw, paano mo ba nais simulan ang araw mo  na positibo na agad?

#4 Panatilihin ang Kalusugan – mag-ehersiyo

Sa nakaraan kong pitak, naisuhestiyon ko rin ito para sa mga empleyado  ng kompanya mo na naka-work from home. Ganoon pa rin ang pagpapatuloy ng suhestiyon na ito sa pitak na ito. ‘Di maikakaila na ang pagkakaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo ay mabuti sa katawan. Mabuti rin ito sa mag-iisip at pagpapatuloy ng positibong pananaw dahil may ibayong lakas ang nararamdaman.

Kung maganda ang daloy ng enerhiya sa iyong katawan, lumalabas din ito sa iyong buong pananaw sa buhay at nagdudulot ng positibong vibes. Labanan ang negatibong vibes sa pamamagitan ng ehersiyo araw-araw. Maglaan ng 30 minuto at ok ka na. Maraming paraan naman diyan kahit nasa bahay ka lang. Saliksikin sa Youtube.

#5 Makipag-ugnayan sa mga taong positibo ang pananaw

Madalas kong ipayo sa mga kaibigan ko na nais na maging positibo  ang pananaw at buhay ay ang makisalamuha sa mga taong positibo rin. Bakit? Parang virus lang din iyan. Nakakahawa ang pananaw ng mga tao. Parang may animo’y enerhiyang iyong nakukuha sa pakikipag-ugnayan sa mga tao – positibo man o negatibo. Punahin mo, na kung puro kasiraan ng ibang tao ang pinag-uusapan ng mga kasama mo, ‘’di ba parang ang bigat ng araw mo? Pero kung puro kakatawanan o positibo ang pinag-uusapan, maganda at magaan ang araw mo.

Ganoon lang ‘yun kasimple. Ang payo ko, umiwas sa mga taong negatibo kung ayaw mong mahawa sa pananaw nila. Kung mahirap itong gawin, lalo pa’t kasama mo sila sa bahay o trabaho, subukan mong baguhin ang kanilang pananaw. Ipagdasal mo rin sila.

Sa dulo, ang pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang tao ay nakasalalay rin sa mga kasama nito sa araw-araw. Subukan mong pansinin ang mga taong nakapaligid sa iyo ngayon. Ano ang  dulot nilang vibes sa iyo?

Konklusyon

‘Di mo naman maipipihit sa isang araw o isang linggo ang pagiging positibo lagi. Ang isang pananaw ay dapat panggalingan ng desisyon na talagang gagawin mo ito palagi. Hanggang maging habit na ito para sa ‘yo. Tandaan na sa lahat ng bagay, magdasal at maging positibo.Maging masipag at masinop at lahat ay babalik din sa iyo.

vvv

Si Homer ay isang technopreneur at makokontak sa email niyang chief@negosentro.com.

2 thoughts on “5 Tips Para Mapanatili ang Pagiging Positibo sa Harap ng Krisis”

  1. ในปี 2565 ทุกท่านที่ประสบพบปัญหาในเรื่องของการเงินจะหมดไปเมื่อได้ลงทุนกับ playslot888.com ผู้ให้บริการสล็อตเว็บใหญ่ ที่จะสร้างรายได้ออนไลน์ ผ่านเกมslotซึ่งสามารถหารายได้ได้จริง มีเกมดังให้เลือกเล่นเยอะมากหลายค่าย จากpg แตกง่าย,เว็บslotxo,live22 สล็อต แตกง่าย,
    jokerslot,SUPERSLOT,เกม ค่าย jili,pragmatic play
    ซึ่งมีให้เลือกเล่นมากยิ่งกว่า
    500 เกมส์ เลยทีเดียว
    ซึ่งการเล่นของทุกท่านจะไม่ผ่านเอเย่นต์ใดๆ เล่นได้โดยตรง ไได้รับการยืนยันจากหน่วยงานต่างถิ่นมากมาย ไม่ว่าจะเป็น PGSOFT ซึ่งเป็นหน่วยงานที่ควบคุมเกี่ยวกับเว็บพนันออนไลน์โดยตรง เพื่อไม่ให้ผู้รับบริการนั้นโดยการเอาเปรียบ สล็อตเว็บใหญ่ของเรานั้น ไม่มีการดัดแปลงตัวเกมอะไร เล่นง่าย แตกง่ายแตกหลายครั้ง ไม่เหมือนเว็บไซต์อื่นๆที่ท่านเคยเล่นมาอย่างแน่แท้ มีบริการที่จะอำนวยความสะดวกสบายให้กับสมาชิกอย่าง เว็บสล็อตฝากถอนออโต้ ที่เร็วทันใจ ใช้เวลาไม่นานไม่เกิน
    15 นาที อีกทั้งยังรองรับslot wallet
    ไม่มีขั้นต่ำ โดยไม่จำเป็นจำต้องใช้บัญชีธนาคาร อีกทั้งยังจัดเต็มไปด้วยโปรโมชั่นฝากครั้งแรก แล้วก็ยังเอาอกเอาใจคนที่มีทุนน้อย ที่จะฝากเงินรับโบนัสฟรีๆ อย่างสล็อตโปรทุนน้อย
    10 รับ100,slot โปรฝาก20รับ100 สำหรับท่านที่พอใจต้องการมีรายได้เสริมผ่านวิถีทางออนไลน์ วันนี้ playslot888.com เปิดให้บริการเว็บตรงสมัครฟรี เข้ามาเปิดประสบการณ์ รวมบันเทิงใจได้ตลอด 24 ชั่วโมง ไม่มีวันหยุด และสำหรับใครที่ยังเป็นมือใหม่
    เรามีบทความ รีวิวเกมสล็อต ซึ่งมีเกมดังมากมายอย่างเช่น วัวทอง,Candy Bonanza,Wild Bandito
    สามารถอ่านได้ฟรี เพิ่มโอกาสให้ เล่นเว็บพนันออนไลน์เว็บตรง แตกง่าย แตกบ่อย ได้มากยิ่งขึ้น สล็อตเว็บใหม่

  2. 224313 556952I was reading some of your content on this internet site and I conceive this internet website is genuinely informative ! Keep on putting up. 324973

Leave a Reply

Your email address will not be published.