5 TIPS PARA UMARANGKADA ANG NEGOSYO MO SA 2021

homer nievera

KUMUSTA, ka-negosyo? Nawa’y nasa mabuti kang kalagayan. Nagtataka ka ba kung bakit pang-2021 na ang titulo ng pitak na ito? Aba, patapos na halos ang buwan at kaunting hakbang na lang, Pasko na! At ilang dipa na lang ang bagong taon, ‘di ba? Sa ganitong panahon, dapat nasa pagpaplano ka na para sa gagawin mo sa 2021. Maraming miting na ang nagaganap at pag-sasaliksik. Paghandaan mo nang maaga ang 2021. Sa pitak na ito, ipapahayag ko ang ilang tips upang makatulong sa pag-arangkada ng negosyo mo sa susunod na taon. Game ka na ba? O siya, tara na at matuto!

#1 Ayusin ang pagplano

Dahil nga panahon ng pagpaplano ngayon, gawin mo na rin ito. Marami ka na sigurong napagtanto ukol sa new normal na tina-tawag at tiyak na nagkaroon ka ng iba’t ibang ideya kung paano mo masasakyan ang makabagong paraan ng pagnenegosyo.

Narito ang ilan lamang sa dapat kasama sa plano mo sa 2021:

  • Executive Summary – narito ang buod ng business plan mo
  • Market Overview – dito nakalahad ang merkado kung saan ka may operasyon
  • Partnerships – sino ang mga kasama mo sa negosyo na mahalaga upang umungos ka
  • Short term at Longer-term Objectives – mga layunin mo na panandalian at pangmatagalan
  • Resources and Funding – mga pangangailan mo
  • Strategies – mga istratehiya sa pagnenegosyo, sales at marketing
  • Financial forecasts – lahat ng may kinalaman sa kaperahan (benta, investments, etc.)

#2 Pag-set up ng work-from-home na istruktura

Bukod sa pag-aayos ng mga safety protocols, mahalaga rin ang pagsasaayos ng sistema at istruktura ng work-from-home mo. Sadyang mahalaga ito sa panahon ng new normal. Tingnan mo ang bawat pangangailangan ng iba mula sa PC or laptop at wi-fi con-nection ng mga tauhan mo. Kung may shifting na kailangan kung saan may ibang araw na nasa opisina sila, alamin mo rin ang pan-gangailangan gaya ng transportasyon at iba pa. Dahil alam mo na ang bagong normal, alam mo na rin kung paano ayusin ang kala-gayan ng mga tauhan mo nang naaayon dito.

#3 Mag-outsource ka ng trabaho

May mga gawaing sa panahong ito na kailangan mo na i-outsource sa iba. Kagaya nung sa akin na mayroon akong pinangan-gasiwang 30+ na blogs kaya naka-outsource sa iba’t ibang manunulat ang laman nito mula sa iba’t ibang bansa. Ikaw rin, sa iyong negosyo, maaari mo na ring i-outsource ang mga gawaing ‘di naman lubos na kasama sa core na negosyo mo. Halimbawa, ang maintenance ng website, hosting, SEO, at pati na rin ang social media mo. Bibigyan mo lang naman ng direksiyon ang mga ito ay sapat na. Puwede mo rin sigurong i-outsource ang mga accounting at payroll mo. Para makatutok ka na lang sa mga importaneng trabaho.

#4 Patibayin ang teams mo

‘Di mo kayang buhayin ang negosyo nang mag-isa. Kailangan mo ng mga core team upang magampanan ang mga gawain nang maayos at tama. Kaya naman kailangang patibayin mo ang teams mo. Idaan mo sila sa training at team building. Siguraduhin mo rin na maayos ang teamwork at may coaching at mentoring na nagaganap sa mga team head mo at mga team member. Ang isang kabuha-yan namin ngayon ay nakasalalay sa matibay na team na nabuo ko noong isang taon bago tumama ang pandemya. Hinamon ko ang tatlong kabataang nagtatrabaho sa akin noon na makipag-partner sa akin sa isang negosyo. Sumama sila sa akin at ngayon, sila ang pinaka-core ng team. May mga nadagdag na rin ngunit ang core team ang siyang nakakatulong nang malaki sa negosyong nabuo namin. Ngayon, lumalaki na ang negosyo dahil na rin sa pagiging magkaugnay ng mga gawain. May maayos na sistema at alam na namin kung paano palakihin ang negosyo. Sa gitna ng lahat ng ito ang pananalig sa isa’t isa na kakayanin ang pag-ungos ng negosyo.

#5 Ikonsidera mo ang pag-automate sa ibang gawain

Ang pag-automate ay nagagawa sa iba’t ibang paraan. Sa blogs ko, naka-automate ang website security at pag-post  sa social me-dia. Gamit ang teknolohiya at mga apps, kakayanin mong magawa na ang mga ito nang mura at minsan pa nga ay libre. Ang mahalaga ay kaya ng automation ang dating gawain ng isa hanggang tatlong tao. Siyempre, dapat pino ang gawa at malaki ang maitutulong sa bilis at kalidad ng mga output.

Konklusyon

Sa panahon ng pandemya, marami kang matututunan at dapat paghandaan. Mukhang tatagal pa ng dalawang taon bago makatuklas ng maayos na vaccine kaya mahigpit pa rin ang health protocols na ipatutupad. Pero ngayon ang panahon para makapaghanda nang mabuti para sa 2021. Sa pagkakataong ito, may magagawa ka habang maaga pa. Tandaan, nasa sentro ng lahat ang kostumer at mga tauhan mo. Alamin ang gusto nila at pagsilbihan sila. Tandaan din, sa lahat ng bagay, dasal, tiyaga at tiwala sa sariling kakayahan ang kailangan upang mag tagumpay, ka-negosyo!



Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Magmensahe lamang sa email na [email protected] kung may mga katanungan.

Comments are closed.