5 TIPS SA PAG-AAYOS NG KWARTO NG ESTUDYANTE

HINDI maiiwasang malayo ang mga anak sa kanilang mga magulang sa panahon ng pag-aaral sa kolehiyo. Mas maganda kung ititira sila sa dormitory ngunit napakamahal kaya mas mabuting umupa ng apartment kasama ang iba pang mga kaklaseng mag-aaral din sa Metro Manila.

Kapag nakalipat na ng bahay ang estudyante, hindi pa tapos ang laban. Ayusin muna natin para safe ang anak mo at heto ang walong steps para gawin ito.

  1. To loft or not to loft. Hatiin ang bahay sa maliliit na kwarto para may privacy ang bawat estudyante. Dahil maliit nga, lagyan ng loft para ma-maximize ang floor space. Yung room lang ng anak ninyo ang inyong ayusin. Bahala na ang ibang parents sa anak nila.

Pero kausapin muna ang bata kung gusto niya ang ganitong set-up. Kung nakataas ang kama at ang ilalim ang study area, kumportable ito para sa kanya

  1. Bumili ng bed skirt organizer. Kapag naayos na ang lofting project, mahirap mag-organize kaya iayos na bago mag­kaproblema. Kaila­ngan ang bed skirt organizer para sa Smartphone and accessories; mga gamot; tissue paper/sanitary napkins; salamin sa mata; study materials at mga remote controls.
  2. Bumili ng collapsible chairs. Mabuti na ang silyang natitiklop para mailagay sa ilalim kung hindi kailangan – hindi abala sa space.
  3. Bumili ng extension cords. Kailangan yan para sa mga gadgets at computers para hindi nakikipag-agawan sa sockets.
  4. New clothes. Lahat ng klase ng damit. Pantulog, pangsimba, panglakwatsa, school uniforms, underwears, medyas, towels, panyo at iba pa. Syempre naman, bagong bahay, bagong damit din. Hindi kailangang marami, pero sana, at least half dozen, meron, lalo na ang underwear.

The rest, hayaan na ang batang dumiskarte. Bahala na siya sa wallpaper, sa kutina, kulay ng kulambo, pairs ng bedsheet, kumot at mga punda ng unan, at kung anu-ano pa. JAYZL VILLAFANIA NEBRE