MARAHIL ay excited ka nang magkaroon ng sideline o side hustle ngayong 2020! Gusto mo nang magkaroon ng ibang pagkakakitaan bukod sa trabaho mo o sa pag-aaral.
Sabi ng ilang kaibigan ko, ako raw ay isang Raket King noong kabataan ko. Lahat na raw halos ng klase ng raket na may kaugnayan sa aking mga hilig ay napasukan ko na.
O siya, ipagpalagay na nga lang natin na totoo nga ito. Pero iba na siyempre ang panahon ngayon dahil sa mga e-commerce marketplace, madali nang rumaket.
Pero paano nga ba magsimula? Narito ang ilang tips na personal kong naransan at ituturo ko sa inyo. Tara na!
#1 Alamin ang hilig o passion mo
Karaniwan nating naririnig at naipapago ng maraming entrepreneur na mainam daw na gawing negosyo ang passion o hilig mo. Ang sagot ko riyan, paano mo malalaman kung ano nga ang hilig na puwedeng gawing sideline!
Unang gawin ay alamin ang mga taong nakapagtayo ng negosyo ayon sa kahiligan nila. Halibawa ay ang potograpiya. Maraming gumaling dito nang dahil sa training at pagsasaliksik. Kung naabot mo na ang rurok ng kasanayan dito, puwede mo nang sabihing ito nga ‘yung puwede mong i-sideline.
Mas mainam na alamin mo rin kung aayon na ang kaalaman mo para gawin itong sideline at kung may merkado nga para rito.
Kasi, kung hilig mo lang at wala naman palang merkado para rito, sayang naman ang oras.
#2 Pagsasaliksik at pagsasanay
Nabanggit ko ito sa unang salya pa lang ng tips natin. Tandaan na kung magiging serupso ka sa pagkakaroon ng sideline, dapat ay may kalamangan ka rin sa iba. Nakakamit lang ito kung may mas malalim kang kaalaman at kasanayan ukol dito sa napili mong sideline.
Huwag kang basta sasabak kung kaunting kaalaman lang ang mayroon ka dahil kung ‘di maagos ang serbisyo o produkto mo, ‘di ka na makakaulit sa pagbebenta.
#3 Networking
Mahalaga ang ang pagne-network sa anumang pagnenegosyo. Dito mo kasi makikilala ang mga taong maaaring makatulong sa iyo sa pag-arangkada o sa pagkuha mismo ng kostumer.
Isang halimbawa ay ang pagdalo ko nang madalas sa mga seminar at training ukol sa digital marketing noon. Dahil nagsisimula pa lang ang industriya noon, kakaunti pa lang ang nasa industriya. Nang lumaon, mas naging malakas ang pangangailangan ng digital marketing. Dahil marami akong nakilalang supplier at kliyente, dito ko naiungos ang sideline ko lang noon at full time negosyo na ngayon.
Nakita ko na kakaunti pa lang ang nagpokus sa SEO at content marketing, mga limang taon na ang nakararaan. Mula sideline, negosyo na sita talaga ngayon.
#4 Online Marketplace
Kung pagbebenta ng mga produkto ang naisip mong sideline, ang Lazada at Shoppee ng dalawa sa pinakamalaking online marketplace sa Filipinas. Kaya naman ang unang gagawin mo ay ang saliksikin ang lahat ng patungkol dito.
Tandaan din na may limitasyon sa mga produktong naipapaskil dito at may proseso rin na dapat sundan. Huwag ka basta sasalang nang ‘di mo binasa ang mga kaalaman ukol dito.
Gayundin sa Facebook at Instagram kung saan online marketplaces din sila bukod sa social media lamang.
Ang mahalaga, alamin sino ang merkado mo at pagtuunan ng pansin ang kanilang nais bilhin at tingnan ang trends. Huwag ka rin basta lalaban sa presyo dahil siguradong ‘di tatagal ang sideline mo rito. Kalidad at maayos na serbisyo ang labanan sa online marketplaces.
#5 Pinansiyal
Malamang ay kapital ang nasa isip mo na maaaring humadlang sa pagsisimula mo sa sideline mo.
Para sa akin, ‘di dapat ito problema dahil ako nga mismo ay nagsimula sa walang puhunan. Paano? Nag-ahente ako ng kung ano-anong bagay at serbisyo. Kumita ako sa pamamagitan ng komisyon. Sa mga kinita ko rito, doon lang ako nakakuha ng kapital at naitayo ang iba pang sideline na naging full time negosyo na ngayon.
Huwag basta-basta papasok sa sideline na malaki agad ang kapital. Gayundin sa mga MLM o networking na puwedeng sideline din. Kung kayang gawin muna nang walang kapital, mas ok. Iwasan ang masunog sa pera sa unang salya pa lang ng pag-sideline mo.
Huwag din basta uutang, ha? Pag-isipang mabuti bago magpaluwal ng pera.
Konklusyon
Madaling magsimula sa pag-sideline. Ang mahalaga, alam mo ang mga fundamental, lalo na sa larangan ng kaperahan.
Tandaan na anumang sideline ay mangangailangan ng sales skills. Huwag mangamba sa pagbebenta. Kung lubos kang naniniwala sa kakayahan mo at sa ibinibenta mo, madaling mag-sales.
Magsaliksik muna at alamin kung saang larangan ka talaga komportable at umaangat.
Lahat tayo ay may talent. Gamitin ito at palaguin sa pamamagitan ng panimulang sideline.
God bless sa iyo ka-negosyo!
o0o
Si Homer Nievera ay isang technopreneur. Maaari siyang makontak sa email niya na [email protected]
Comments are closed.