CAMP CRAME – TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang limang pangunahing kaso na ki-nasasangkutan ng mga menor simula noong 2014.
Kung pagbabatayan ang record ng PNP, ang limang kaso ay kadalasang kinasasangkutan ng mga kabataan batay sa ulat noong 2014 hanggang 2017.
Ayon kay dating PNP spokesperson at ngayon ay acting director ng Directorate for Police Community Relations (DPCR), ang mga kaso ay ang theft o pagnanakaw, physical injuries, robbery, rape at illegal drugs.
Ang edad ng mga batang ito ay 18 pababa.
Subalit, sa unang walong buwan ng taong 2018, nangunguna ang mga kasong reckless imprudence resulting to damage of properties, theft, physical injury at illegal drugs na kinasasangkutan ng mga menor.
Patunay aniya ito na sa murang edad ay maagang namulat at nakagagawa ng krimen ang mga kabataan.
Dahil dito suportado ng PNP ang pag-amyenda ng kongreso sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act. REA SARMIENTO
Comments are closed.