5 TULAK ARESTADO SA P115K SHABU

drug pusher1

KULONG ang lima katao matapos makunan ng higit sa P115,600 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Eduardo Angeles, alyas “Mayong”, 51-anyos; Mary Ann Magno alyas  “Tadel”, 46-anyos; Erick Leyco alyas “Putol”, 32-anyos; Bobby Soccoro, 29-anyos at Baban Alvarado, 50-anyos.

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSMS Fortunato Candido, dakong alas- 7:30 ng gabi nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni Col. Ortega sa Area 4 Dumpsite Pinalagad, Brgy. Malinta.

Nagawang makabili ng isa sa mga operatiba na nagpanggap na buyer ng P500 halaga ng shabu sa kanilang target na si Angeles at nang tanggapin nito ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga pulis.

Habang naaktuhan naman ng mga operatiba sa loob ng isang bahay ang iba pang mga suspek na sumisinghot ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang nasa 17 gramo ng shabu na tinatayang nasa P115,600.00 ang halaga, marked money, dalawang cellphone, dig-ital weighing scale, P5,000 cash at ilang drug paraphernalia. VICK TANES

4 thoughts on “5 TULAK ARESTADO SA P115K SHABU”

  1. 160400 344536Hey there! Someone in my Myspace group shared this site with us so I came to take a look. Im certainly enjoying the info. Im bookmarking and will be tweeting this to my followers! Outstanding blog and outstanding style and design. 633362

  2. 157227 136375Whilst you are any with the lucky enough choices, it comes evidently, even though capture the fancy with the particular coveted by ly folks other useful you you meet could possibly properly have hard times this particular dilemma. pre owned awnings 341284

Leave a Reply

Your email address will not be published.