5 TULAK NALAMBAT SA P69K SHABU

arestado

LIMANG katao na kabilang sa Top 9 Drug Personality ang naaresto  matapos makuhanan ng higit sa P69K halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Navotas City.

Bandang ala-1 kahapon ng madaling araw nang madakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen sina Rodel Barlan, 42-anyos, (top 9 drug personality) at Raymart Bernardo, 36-anyos, (pusher/listed) matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa kanila ang nasa 2.2 gramo ng shabu na tinatayang nasa P14,960.00 ang halaga at buy bust money.

At bandang alas-3:10 ng madaling araw nang madakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 3 na nagpapartolya sa kahabaan ng Lacson St., Brgy NBBN si Virgilio Ramos, 55-anyos, residente sa naturang lugar matapos makuhanan ng dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P11,560.00 ang halaga.

Nauna rito, bandang alas-3 ng hapon nang maaresto din ng mga operatiba ng Station Intelligence Section sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr. sina Jonald Padilla, 23-anyos at Dionesio Miramontes, 49-anyos  sa isinagawang surveillance at monitoring sa C3 corner R10, Brgy. NBBS Proper.

Nakuha sa kanila ang nasa 6.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P42,840.00 ang halaga habang kasama ring binitbit ng mga pulis ang 17-anyos na dalagita dahil sa paglabag sa Obstruction of Justice. VICK TANES

3 thoughts on “5 TULAK NALAMBAT SA P69K SHABU”

  1. 112764 732495Hi my friend! I want to say that this post is awesome, good written and include almost all significant infos. Id like to see a lot more posts like this . 218875

Leave a Reply

Your email address will not be published.