BULACAN-LIMANG drug pusher ang nadakip ng Station Drug Enforcement Unit(SDEU) makaraang kumagat sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga bayan ng Obando,Plaridel,San Ildefonso at Paombong sa lalawigang ito kamakalawa.
Sa report na isinumite sa Bulacan Police Provincial Office sa Malolos,nakilala ang mga drug suspect na sina Tristan Santos ng Barangay Panghulo,Obando;Albino Villafuerte ng Barangay Lalanga,Plaridel;Miguel Caine Cruz at Peter Joshua Manansala,kapwa ng Barangay Anyatam,San Ildefonso at Rolando Delos Reyes ng Barangay San Isidro 1,Paombong.
Unang naglatag ng buy-bust operation ang Obando police sa pamumuno ni P/Major Restituto Granil sa Barangay Pag-Asa,Obando kung saan nadakip si Santos, at sumunod na natimbog si Villafuerte sa Barangay lalangan,Plaridel.
Nagsagawa din ng buy-bust operation ang SDEU operatives ng San Ildefondo police sa overall supervision ni P/Lt.Col.Carl Omar Fiel at natiklo sina Cruz at Manansala sa Barangay Anyatam,San Ildefonso habang huling nasakote si Delos Reyes sa Barangay San Isidro 1 sa pangunguna ni P/Major Edgardo Tonggol,Chief of Police ng Paombong Municipal Police Station.
Umabot sa kabuuang 11 pakete ng shabu,apat na pakete ng damo at buy-bust money ang narekober ng awtoridad sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa sa apat na munisipalidad sa lalawigang nabanggit. MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.