5 UN STAFF NA GALING SA FIELD MISSION DINUKOT SA YEMEN

LIMANG misyonero o staff ng United Nations (UN) na galing sa field mission at pabalik sa kanilang barrack sa Aden ang dinukot sa katimugang bahagi ng Yemen.

Ayon kay Russel Geekie, tagapagsalita ng UN official sa nasabing bansa, ang mga misyonero ay biglang nawala sa Governorate of Abyan, nitong Biyernes.

“The United Nations is in close contact with the authorities to secure their release,” ayon kay Geekie.
Iniimbestigahan pa kung may kaugnayan ito sa sigalot ng Saudi-led military coalition sa Iran-aligned Houthi group sa Yemen noong 2015.

Ang coalition ay namagitan sa civil war sa Yemen sa nasabing taon makaraan mapalayas ang Houthis ng pamahalaan sa Sanaa, kabisera ng Yemen.

Ang nasabing karahasan ay pumatay ng libo-libo katao at milyong residente ang nawalan ng tahanan dahilan ng matinding humanitarian crisis.

Gayunpaman, naroon ang UN staff sa bansa para maibsan ang humanitarian crisis. EUNICE CELARIO